DAVAO CITY – Kabuuang 3,866 security forces ang inatasan na magmantina ng seguridad para sa mga delegado, opisyal at atleta na lalahok sa 62nd Palarong Pambansa – pinakamalaking sports event para sa mga estudyante – sa April 27 hanggang Mayo 4 sa Davao City, ayon kay Public Safety and Security Command Center (PSSCC) head Angel Sumagaysay.
Iginiit ni Sumagaysay sa panayam na maagang nilang binalanmgkas ang seguridad at handa na ang lungosd para sa Palarong Pambansa na lalahukan ng mga estudytanteng atleta mula sa 17 region sa bansa.
Tinatayang aabot sa 20,000 ang mga delegado sa taunang sports even.
Kumpiyansa si Sumagaysay sa tagumpay ng hosting na gaganapin sa unang pagkakataon sa Davao mula noong 1950.
Nitong 2015, ang City of Tagum sa Davao del Norte ang naging host ng e 58th edition ng Palaro.
“It’s ready for implementation. Everything has been set. All the security components are already aware of it,” aniya.
Aniya, nakaantabay ang Police Regional Office (PRO) 11 at military’s 103rd Infantry Brigade sa anumang sitwasyon.
Inaasahang magsisimula dumating ang mga delegado bukas.
Bilang dagdag na seguridad, naglagay din ang local government ng l high definition CCTVsa lahat ng playing venues at sa 20-hectare world-class Davao City-University of the Philippines Sports Complex sa UP-Mindanao campus sa Tugbok.
Handa narin ayon kay Sumagaysay ang 26 billeting quarters at 32 playing venues.
“We have assigned security in every billeting quarter and playing venues where security team leaders would be assigned,” aniya.
Siniguro rin niya ang kalusugan ng mga delegado sa binuong Davao City Central 911, City Health Office, at City Social Services and Development Office.
“Sa lahat mga participants (to all the participants), welcome to Davao City. Enjoy your stay. You have your partners here. Kung alone ka, ikaw lang isa, (If you are alone) you have a big brother. Just call 911,” aniya.
Nitong Enero, host ang lalawigan sa Davao Regional Athletic Association (DAVRAA) Meet 2019.
-Antonio L. Colina IV