TAONG bundok ang aktres na si Angel Locsin dahil mahilig siyang umakyat ng bundok kasama ang mga kaibigan.

Angel at Neil

Kung ang ibang celebrities ay nag-enjoy sa pamamasyal sa ibang bansa, nagpunta sa mga kilalang beach resort, iba naman ang ginawa ni Angel nitong Semana Santa na maituturing na ring penitensiya sa sarili. Umakyat siya sa Pa Paminahawa Ridge, Impasug-ong, Bukidnon kasama ang boyfriend na si Neil Arce.

Bilib kami sa aktres dahil kahit may problema sa spine niya ay sige pa rin siya sa pag-akyat ng mga bundok sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na hobby niya.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Matatandaang kaya lumala ang problema ng aktres sa spine ay dahil nahulog siya sa kabayo sa shooting ng pelikula nila ni Piolo Pascual na Love Me Again (Land Down Under) na kinunan din sa Bukidnon ni Direk Rory Quintos.

At heto pagkalipas ng sampung taon ay muling binalikan ng bida ng The General’s Daughter ang Bukidnon kung saan sila saktong nag-shoot ng pelikula, at muli siyang sumakay ng kabayo kasama ang mga kaibigan.

Ang caption ni Angel sa litratong ipinost kung saan nakasakay sila sa kabayo: “More than a decade ago, sinabi ko sa sarili ko na babalik ako dito. Babalikan ko kayo. Salamat boys. Reunion with Bukidnon’s finest cowboys! Hi daw Peej! @piolo_pascual & ate @moibienne. Where the Wild Things Are. Finally back to this lovely place after more than a decade #LoveMeAgain#Bukidnon #RanchLife #Cowboys#Horses.”

-Reggee Bonoan