BALANG araw, pansamantalang titigil ang BTS sa paggawa ng mga awitin at pagtatanghal sa entablado dahil kailangan nilang magsilbi sa kanilang bansa.

BTS

BALANG araw, pansamantalang titigil ang BTS sa paggawa ng mga awitin at pagtatanghal sa entablado dahil kailangan nilang magsilbi sa kanilang bansa.

Kamakailan ay kinapanayam ang Korean seven-piece pop group ng CBS This Morning, kung saan tinalakay nila ang mandatory military service na hindi nila pupuwedeng hindi kumpletuhin at kung paano nila pinaghahandaan ang nalalapit nilang pagpasok sa Korean military.

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

"As a Korean, it's natural," sabi ni Jin, isa sa apat na bokalista ng grupo. "And, someday, when duty calls we'll be ready to respond and do our best."

Nang tanungin ng correspondent na si Seth Doane ang mga miyembro kung nag-aalala ba sila sakaling magkahiwa-hiwalay sila para sa kanilang service, sagot ni Jung Kook, ang lead singer ng grupo, "I don't want to think about it at this point. We have something really good going."

Singit naman ni RM, isa sa mga rapper ng BTS: "That's the answer. We just enjoy the ride, live in the moment, and that's all we can do."

Nakalahad din sa artikulo na ang grupo, na edad 21 hanggang 26, “have already delayed the mandatory service, which all male South Koreans must complete”.

Ang tagal ng pananatili ay magkakaiba depende sa kung saan branch sila sasapi. Halimbawa, ang active duty sa Marines o Army ay tatagal nang 21 buwan. Gayunman, ang mga nakalista sa Air Force ay magsisilbi sa bansa nang 24 na buwan, ayon sa ulat ng Entertainment Tonight.

Sa panayam, tinalakay din ng grupo ang tungkol sa kung paano sila natutong magsalita ng English, na nakatulong nang malaki para mas mapalawig ang K-pop globally.

"I love hip hop," lahad ni RM. "I love the pop music. And I love the Friends. Yeah, the TV show. My mom bought me the full series. I watched it, like, several times. I just want to speak and to listen and to understand musicians in America. I just want to say, 'Thank you, Mom!'"

Ilan sa mga miyembro ng BTS ang nagbahagi ng pamumuhay nila noon nang magkakasama, ang hakbang na hindi gusto nang lahat ngunit naging napakahalagang bagay para mas tumibay sila bilang isang grupo.

"At first, we were like, 'Why do we have to live together?'" paliwanag ni Suga, ang main rapper ng gang. "But at some point we realized that this is really precious. And we've become really thankful."

Sabi naman ni V, isa pang bokalista, "I think these are the people who know me the best. We know each other better or more than our families know us."