MAYROONG Rice Tariffication Law upang matiyak na mayroong sapat na bigas para sa mga consumers sa bansa. Karamihan ng bigas ay magmumula sa ibang bansa. Sa bagong batas sa bigas, hindi na kinakailangan ng mga importers na kumuha ng permit mula sa National Food Authority (NFA). Maaari na ngayong mag-angkat ng bigas pagkatapos magbayad ng taripa na 30 porsiyento sa imported na bigas mula sa mga bansang ASEAN, 40% sa bigas na binili sa iba pang lugar.
Gayunman, ang nais makamit ng bansa ay mapaunlad industriya ng bigas ng Pilipinas upang isang araw, hindi na natin kinakailangan mag-angkat ng bigas na ginagawa natin ngayon, karamihan mula sa Vietnam at Thailand na ang mga magsasaka ay kayang lumikha ng bigas na mas mura kaysa ipinagbibili ng mga Pilipinong magsasaka.
Isa sa mga dahilan nito ay ang mga dayuhang magsasaka ay may mas mapagkukunan, lalo na ang tubig mula sa higanteng Mekong river sa bahagi ng Southeast Asia. Habang karamihan ng Pilipinong magsasaka ay umaasa sa ulan kaya nakapagtatanim lamang tuwing panahon ng tag-ulan. At ang mas mahalaga, umaasa sila sa tradisyunal na paraan ng pagtatanim sa halip na gumamit ng modernong kagamitan gaya ng mga traktora.
Kaya ikinagagalak natin ang pahayag nitong nakaraang linggo ng National Economic Development Authority (NEDA) na ngayong taon at sa susunod na anim na taon, ang industriya ng bigas ng Pilipinas ay may P10-bilyong taunang pinansiyal na suporta mula sa RA 11203, na bumuo sa Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Kalahati ng pondong ito— P5 milyon kada taon— ay gagamitin para sa pagbili ng mga gamit pansaka gaya ng tillers, traktora, buto, irrigation pumps, harvesters, at threshers. Ito ay ipagkakaloob sa karapat-dapat na mga magsasaka, farm associations, at rice cooperatives.
Ang matitirang pondo ay gagamitin sa mga sumusunod— 30% sa development at propagation ng mga bigas ng Philippine Rice Research Institute; 10% para sa credit at low interest rates sa pamamagitan ng Land Bank at Development Bank of the Philippines; at 10% para sa skills training at technology transfer sa mga farm schools sa buong bansa.
Matagal na nating alam na hindi kasing-produktibo ibang magsasaka sa Southeast Asia ang mga magsasakang Pilipino, dahil hindi sila makabitaw mula sa tradisyunal na paraan ng pagsasaka patungo sa modernong paraan. Sa wakas, mayroon na tayong programa upang masolusyunan ang problema— ang taunang P10-bilyong pondo na karamihan ay gagamitin para ipambili ng traktora at iba pang gamit pansaka.