COLOMBO, Sri Lanka (AP) — Siyam na pambobomba sa mga simbahan, luxury hotels at iba pang lugar nitong Linggo ng Pagkabuhay ang kumitil sa buhay ng higit 200 katao at sumugat sa 450 iba pa, sa itinuturing na pinakamatinding karahasan sa Sri Lanka mula noong matapos ang civil war sa bansa.KALUNOS-LUNOS Nagkalat ang mga labi ng katawan ng biktima sa loob ng simbahan ng St. Sebastian na isa sa mga pinabog sa Negombo, Colombo, Sri Lanka, nitong Linggo. AP Photo/Chamila Karunarathne

KALUNOS-LUNOS Nagkalat ang mga labi ng katawan ng biktima sa loob ng simbahan ng St. Sebastian na isa sa mga pinasabog sa Negombo, Colombo, Sri Lanka, nitong Linggo. AP Photo/Chamila Karunarathne

Inilarawan ni Defense Minister Ruwan Wijewardena ang trahedya bilang isang “terrorist attack by religious extremists” habang ibinalita ng pulisya na 13 suspek na ang inaresto, bagamat wala pang umaako sa nangyari.

Pinaniniwalang suicide attacks ang sunod-sunod na pag-atake na karamihan ay naganap sa bahagi ng Colombo, kabisera ng bansa.

Karamihan sa mga nasawi ay Sri Lankans bagamat ang tatlong pag-atake sa mga hotels at isa sa simbahan ng St. Anthony's Shrine, ay mga lugar na kalimitang dinadayo ng mga turista. Ayon kay Sri Lanka's Foreign Ministry hindi bababa sa 27 labi ng dayuhan ang mula sa iba’t ibang mga bansa ang narekober, kabilang ang ilang Amerikano, habang sinabi ng Britain, China, Japan at Portugal na may nasawi silang kababayan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nagpatupad na rin ang Sri Lankan government ng nationwide curfew mula 6:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga habang ibinlock ang ilang social media kabilang ang Facebook at YouTube, para umano maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.

Nangangamba naman si Prime Minister Ranil Wickremesinghe na magdulot ng “instability” sa Sri Lanka ang naganap na mga pag-atake kasabay ng pangako "[to]vest all necessary powers with the defense forces" laban sa mga salarin.

Ayon kay Police spokesman Ruwan Gunasekara nasa 207 katao ang nasawi habang 450 ang sugatan. Aniya, nadiskubre ng mga pulis ang isang safe house at van na ginamit ng mga umatake.

Anim na magkakasunod na pagsabog ang yumanig sa Sri Lanka nitong Linggo ng umaga sa shrine at Cinnamon Grand, Shangri-La at Kingsbury hotels sa Colombo, gayundin sa dalawang simbahan sa labas ng kabisera, ayon kay Sri Lankan military spokesman, Brig. Sumith Atapattu.

Makalipas ang dalawang oras, dalawa pang pagsabog ang naranasan sa isang guesthouse, at malapit sa isang overpass.