DALAWANG beses na kinilala ng Guinness World Records ang #AlDubEBTamang Panahon bilang may pinakamaraming tweet sa loob ng isang araw, o 24 hours, noong October 24, 2015.
Umabot sa 41 million tweets ang nasabing hashtag ng bonggang concert ng love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Philippine Arena sa Bulacan, at hawak ng AlDub Nation ang nasabing title sa loob ng three and a half years.
Pero last April 19, nag-tweet ang Guinness: “@GWR really giving up titles of Guinness world record for most watched YouTube views in 24 hours, most tweet hashtags etc. But where’s #EXO Guinness World Record titles for selling a 70k people concerts in 0.2 seconds as K-pop group and in the world ever? Nobody have done that ever.”
Tinukoy ng tweet ang sikat na all-male K-pop group na EXO.
Tinanggap ito ng AlDub Nation “#AlDubEBTamangPanahon held the most tweeted hashtag title for 3 & a half years! What a feat! We tweeted ‘pordalab’ of @mainedcm and @aldenrichards02.
“Also, libraries were built because of it. But as they say, all good things must come to an end. However, all the memories shall remain.”
Segunda ni @existinghiraeth: “Kahit hindi na tayo ang may hawak ng record, still, mananatili kayo sa puso ko AlDub at AlDub Nation. Kayo ang maituturing kong pinaka-‘Magical’ na nangyari sa buhay ko.”
Komento ng isa pang AlDub fan na si @sharon_mtpi: “A bit sad at the record loss but #AlDubEBTamang Panahon will always be a source of pride for my Philippines and AlDub heart. We have amazingly beautiful memories, I will forever keep you in my heart.”
Sabi naman ni @shooktfangirl: “Pero, grabe ha, pinagsama-samang K-pop fandoms ‘yun, eh, jusmiyo kalaki non! Ta’s tayo isang local fandom lang (pero malupet). I’M SO PROUD PA RIN.”
Gaya ng ibang AlDub fan, thankful pa rin si @magicheart21: “Hey there! It’s been a while. Thank you for 3 years and 5 months. #AlDubEBTamangPanahon will never be forgotten. May forever sa mga magagandang alaala @aldenrichards02 @mainedcm.”
-Nora V. Calderon