Binalaan ng Manila Cathedral ang publiko laban sa pekeng Facebook page na nagpapakilalang konektado sa simbahan at nagbebenta ng “miraculous medals”, na umano’y binasbasan pa sa Vatican.

Manila Cathedral church

Manila Cathedral church

Ayon sa Manila Cathedral, ginagamit ng FB page na “Youth for Manila Cathedral” ang kanilang simbahan upang makapagbenta ng sinasabing miraculous medals.

Upang makabenta, sinasabi umano ng naturang FB page na ang kikitain sa naturang proyekto ay ido-donate para sa renovation ng simbahan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinabulaanan naman ng Manila Cathedral ang naturang pahayag at iginiit na peke ang nasabing account: “WARNING: FAKE ACCOUNT! We were informed that there is an account using the name ‘Manila Cathedral and selling a ‘miraculous medal’ blessed by priests and bishops from the Vatican. They are also saying that they are the ‘Youth for Manila Cathedral’ and that they will donate the proceeds for the renovation of the Manila Cathedral.”

Iginiit ng Manila Cathedral na peke ang nasabing page, walang grupong Youth for Manila Cathedral, at walang milagrosong medalya na binasbasan sa Vatican na ibinebenta.

-Mary Ann Santiago