KIEV, Ukraine (AP) — Wagi sa landslide victory ang isang komedyante, na ang tanging pulitikal na karanasan ay ang kanyang pagganap bilang pangulo sa isang TV series, bilang bagong Pangulo ng Ukraine matapos ang idinaos na presidential election nitong Linggo.Ukraine Presidential candidate Volodymyr Zelenskiy  AP PHOTO

Ukraine Presidential candidate Volodymyr Zelenskiy AP PHOTO

Sa resulta ng 52% tally sa mga polling station, lumalabas na nakuha ni sitcom star Volodymyr Zelenskiy ang 73% ng mga boto kumpara sa 25% ng incumbent president Petro Poroshenko—hudyat ng pagtatapos ng limang taong panunungkulan nito bilang pinuno ng bansa.

Bago pa magsimulang lumabas ang resulta ng halalan, tinanggap na ni Poroshenko ang kanyang pagkatalo, at sinabing:“I am leaving office, but I want to firmly underline that I am not leaving politics.”

Nangako naman si Zelenskiy ng malawakang pagbabago sa pamahalaan at sinabing ang kanyang “No. 1 task would be securing the release of about 170 Ukrainian military members taken prisoner in the east or in Russia.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ang 41-anyos na si Zelenskiy ay kilala sa Ukraine para sa kanyang comic portrayal sa isang Ukrainian TV series bilang isang high school teacher na naging pangulo matapos mag-viral ang kanyang “video rant against corruption”.