GAYA ng dati, kaisa a n g members ng entertainment press sa taunang selebrasyon ng kagalingan sa mga sakit sa Kamay ni Hesus Healing Church s a Barangay Tinamnam, Lucban , Quezon.

Kuha ni DANNY ESTACIO

Kasama ng inyong likod ang iba pang entertainment press, tulad nina Obette Serrano, Ricky Calderon at Beth Gelena with their loved ones, nang dumalo sa invitation ni Fr. Joey Faller, para sa selebrasyon ng ika-25 anibersaryo niya bilang healing priest sa dinarayong Kamay ni Hesus Healing Church.

Hindi ito ang first time naming pumunta sa Kamay ni Hesus Healing Church, dahil every year, tuwing may isine-celebrate na okasyon doon ay hindi nakakalimot si Fr. Joey na mag-imbita ng mga kaibigan sa press. Tinatanaw niyang malaking utang na loob na natulungan ng mga write-ups ng mga kaibigan niyang press ang pagpapatayo niya sa nasabing simbahan. Dahil sa media, naipabatid sa publiko ang kanyang adbokasiya sa pagpapatayo ng simbahan, at bumuhos naman ang mga tulong hanggang sa makumpleto niya ang simbahan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Fr. Joey & Visitors

T a o n g 1 9 9 3 n a n g nagsimulang magkaroon ng visions si Fr. Joey ng gift of healing, pero hindi niya agad tinanggap iyon, kahit pa may mga may sakit na ipinag-pray over niya at gumaling. Sumama pa siya sa mga pilgrimage sa Holy Land para i-confirm kung mayroon nga siyang gift of healing.

Until on April 8, 1994, nagkaroon ng car accident si Fr. Joey, na halos ikamatay niya. Dalawa sa kasama niya sa aksidente ang binawian ng buhay. Matindi ang damage na inabot ng kanyang kanang kamay, at napinsala ang nerves sa dalawa niyang daliri, na hindi na niya magawang ituwid ang mga ito.

Kaya ang right hand niya ngayon ay parang tulad ng kamay ng Sto. Niño at Risen Christ. Parang iyon ang hinihintay niyang patunay ni Lord na symbol of the healing hands of Jesus Christ.

Sa huli, tuluyan nang niyakap ni Fr. Joey ang healing ministry, at ang pagpapatayo ng healing church.

After the Concelebrated Holy Mass

And the rest is history na sa pagpapatayo niya ng simbahan, na itinirik sa lupang donasyon lang—kung saan ngayon nakatayo ang Kamay ni Hesus Healing Church. Bawat taon, kumakapal ang dami ng debotong dumarayo sa simbahan na ang iba ay nagmula pa sa ibang dako ng Pilipinas, at ibang bansa.

Ise-share na rin namin na si Fr. Joey ay una naming nakilala bilang kapwa miyembro ngh Oasis of Love Catholic Charismatic Community. On April 11, 1994, dapat ay kasama namin siya, together with now Monsignor Albert Venus, sa pilgrimage sa Holy Land, pero naaksidente nga siya noong April 8, 1994, kaya hindi namin siya nakasama.

Kaya nitong April 11, 25 years na rin ang nakalipas nang makapunta kami sa Holy Land, a pilgrimage na hindi namin makalilimutan. Salamat sa hindi malilimutang experience with the Lord.

KNH Healing Dome under construction

Napakaraming tao naman ang dumalo sa 25th anniversary ni Fr. Jerry as a healing priest. Naroon din ang kanyang mga benefactors at ang mga kaibigan na galing pa sa ibang lugar.

Nagkaroon ng program hosted by actress-singer and co-Oasis of Love member, Giselle Sanchez, at naroon din sina Bro. Rez Cortez, Sis. Bella Dimayuga, Sis. Luz Valdez, Sis. Candy Cortez, at Sis. Anna Gonzales

-Sinulat at mga larawang kuha ni NORA V. CALDERON