PITONG Filipino riders sa pangunguna ni Daniel Ven Cariño ang nakatakdang sumabak sa 2019 Asian Road Cycling Championships sa Uzbekistan.
Tatangkain nilang sundan ang yapak nina Rustom Lim at Rex Luis Krogg na nagsipagwagi ng medalya mula sa taunang continental race.
Ang 21-anyos na si Cariño, 21 ang Best Young Rider ng 2018 Le Tour de Filipinas at tubong Mangaldan,Pangasinan ay sasabak sa una sa dalawang events na kanyang sasalihan - 40-kilometer Men Under-23 individual time trial (ITT) sa Miyerkules ganap na 3:30 ng hapon doon , 6:30 naman ng gabi sa oras dito sa Pilipinas.
Mauuna rito, sasabak ganap na 1:00 ng halon doon at 4:00 naman sa oras dito ang 18-anyos na si Marc Ryan Lago ng Taguig City sa 30-km Men Junior ITT bilabg panimula ng kampanya ng koponan na ipinadala ni PhilCycling President Abraham Tolentino at Secretary General Atty. Billy Sumagui sa pagsuporta ng Go For Gold.
Nasa ilalim ng paggabay ni Ednalyn Hualda, na sya ring team manager ng continental team Go For Gold, ang Men Junior squad nina Lago, Efren Reyes Jr. (18) at Ean Cajucom (17) ay sasalang naman sa 105.6-km Men Junior individual road race na magsisinula at magtatapos sa Gazalkent kung saan target nilang duplikahin kung hindi man mahigitan ang silver medal finish ni Krogg noong 2018 championships sa Myanmar at bronze medal ni Lim bagged sa Thailand noong 2011.
Pamumunuan naman ni Cariño ang Under 23 squad sa individual road race na may distansyang 148.40 kilometro na gaganapin din sa Gazalkent .
Hindi lamang haharapin ng mga Pinoy riders ang mga katunggali mula sa iba pang bansa sa Asia kundi maging ang napakatinding lamig na umabot ng 14 degrees Centigrade ang pinakamababa.
Sina Ismael Gorospe Jr., Joshua Mari Bonifacio at Jerico Lucero ang kukumpleto sa Under 23 roster na inaasahan ng Philippine Sports Commission sa ilalim ni Chairman William Ramirez na magiging future ng Philippine cycling.
Samantala, nakatakda ring isumite ng PhilCycling ang kanilang bid para mag- host ng Asian BMX Championships sa 2020 sa idaraos na Asian Cycling Confederation Congress sa Biyernes sa International Hotel Tashkent.
-Marivic Awitan