SIBAGAT, Agusan del Sur – Aabot sa 50 dating miyembro at supporters ng New Peole’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan sa Agusan del Sur, kamakailan.

Ang mga rebelde ay sujmurender sa field unit ng 3rd Special Forces Battallion (3rd SFBn) ngt Philippine Army (PA) sa Barangay Poblacion, Sibagat, nitong nakaraang Huwebes Santo.

REBEL

“In full force, these lumads (Manobo natives) returned to the folds of the law and pledged their loyalty to the government,” sabi naman ni 2nd Lt. Abigail Lorenzo, officer-in-charge ng Public Affairs Office (PAO)-4th Infantry (Diamond) Division.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang armas na kinabibilangan ng isang M653 rifle, isang cal. 22 rifle, anim na 12 gauge shotguns, dalawang cal .38 pistol, at isang fragmentation hand grenade.

Nagpasya aniyang sumuko ang mga rebelde upang bigyang ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

“I am so tired and hungry. I don't want to participate in the atrocities anymore and stop living like this. I know that staying in the mountains as a member of the NPA will not give me a better future,” pahayag naman ni “Ka Alex”, isa sa mga sumurender at team leader ng Guerilla Front 21 (GF21).

Tiniyak naman ng militar na bibigyan nila ng financial assistance ang mga rebel returnee para sa kanilang pagbabagong-buhay, alinsunod na rin sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

-Mike U. Crismundo