Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek sa pananaksak at pagpatay sa isang radio commentator sa Butuan City.

COMMENTATOR

Nanawagan din ang Butuan City Police Office sa publiko na makipagtulungan sa kanila sa ikaaaresto ni Ulating Macarampat Barapangcat, alyas “Ola Saransamen” na pangunahing suspek sa pagpaslang kay Francisco Patindol, komentarista ng Radyo ng DXJM.

Binalaan din ng pulisya ang publiko na masyadong mapanganib ang suspek hangga’t hindi pa ito naaaresto.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Matatandaang pinagsasaksak ni Barapangcat ang biktima habang nakikipag-usap ito sa mga kasamahan sa trabaho sa labas ng isang establisimyento sa lungsod, kamakalawa ng umaga.

Agad na tumakas ang suspek na umano’y lasing nang isagawa ng krimen.

Hindi pa matukoy ng mga imbestigador ang motibo sa krimen.

-Fer Taboy