Pinagbabaril at napatay ng dalawang hindi nakikilalang lalaking nakamaskara ang isang incumbent barangay chairman sa Gerona, Tarlac.

Dead on arrival sa Sacred Heart Hospital ang biktimang si Cesar Mendoza, 71, kapitan ng Bgy. Salapungan, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Binanggit ni Col. Jesus Atchico Rebua, Tarlac Police Provincial director, ang krimen ay naganap sa kanilang lugar, dakong 7:50 ng gabi nitong Biyernes.

Aniya, kasalukuyang binabantayan ni Mendoza sina Regino Castillo, 52, at chief tanod Albert Labuguen, 48, sa pagkukumpini ng mga  napunding bombilya sa kalsada nang biglang lumapit ang dalawang armado na naka-jacket at nakatakip ang mga mukha.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Pinagbabaril ng dalawa ang kapitan na agad na bumulagta.

Nakarekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang 15 basyo ng bala, at dalawang motorsiklo na walang plaka na umano’y ginamit ng mga suspek sa krimen.

Blangko pa ang pulisya sa posibleng motibo sa pamamaslang.

-Leandro Alborote