Limang miyembro ng isang pamilya ang inaresto ng pulisya sa isang buy-bust sa Marikina City, madaling araw ngayong Easter Sunday.

FAMILY

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Romeo Villanueva, alyas “Jun”, 49 anyos; Philip Villanueva, 24; Randy Villanueva, 33; Benny Villanueva, 21; at Anjo Flores, 31, na pawang residente ng Barangay Fortune sa Marikina.

Batay sa imbestigasyon, hatinggabi ng Linggo ng Pagkabuhay nang ikasa ng mga operatiba ng Marikina City Police ang operasyon laban sa mga suspek sa Santan Street sa Bgy. Fortune.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Ayon sa pulisya, ang operasyon ay bunsod ng impormasyong nakuha nila na sangkot umano sa bentahan ng ilegal na droga sa Bgy. Fortune ang mga miyembro ng isang pamilya.

Makaraang iabot umano ang droga, kaagad na dinakip ng mga pulis ang limang magkakaanak.

Nasamsam umano ng pulisya mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, P730 cash, isang coin purse, at P500 marked money.

Nakapiit na ang magkakaanak sa presinto ng Marikina City Police at kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

-Jhon Aldrin Casinas