BATA pa lang pala ay nakaka-experience na si Tom Rodriguez n g m g a kababalaghan dahil nakakaramdam daw siya, o minsan ay nakakakita ng anino, sa mga pinupuntahan niya.

Tom Rodriguez copy

Hindi r aw naman s iya matatakutin, at kahit ngayon, kahit may ginagawa siyang horror movie o TV series ay hindi siya natatakot kahit pa siya lang ang may nararamdaman habang maraming tao sa paligid niya.

Kaya nang i-offer kay Tom ang horror film na Maledicto—ang first ever locally-produced horror movie ng Fox Network Group Philippines, at co-produced ng Cignal Entertainment at Unitel Productions—ay hindi siya tumanggi.

‘Hindi nakakatuwa!’ Karla Estrada, nabuwisit kay Ogie Diaz

Ayon kay Tom, sa mga ganoong role ay inihihiwalay niya ang sarili sa ginagampanang karakter. Gayunman, nang simulan niyang i-shoot ang movie ay pinabaunan daw siya ng girlfriend niyang si Carla Abellana ng charm bracelet for protection.

“I am Father Xavi sa movie, a former psychologist who becomes a sceptical exorcist matapos na namatay nang tragic death ang sister niyang si Mara, played by Inah de Belen,” kuwento ni Tom tungkol sa karakter niya sa Maledicto.

“Makikilala ko si Sister Barbie, played by Jasmine Curtis Smith, isang batang madre who has the gift of charism, kaya naman magkaiba ang paniniwala namin.

“Pero kaming dalawa ang naatasang pag-aralan ang case ni Agnes, played by Miles Ocampo, isang teenager na pinasukan ng demonic behaviour that rocks the foundation of the church.”

Nakakakilabot naman ang ikinuwento ni Direk Mark Meily at ng cast na maraming experiences nila habang nagsu-shooting, lalo na ang exorcism scene.

Kuwento ni Direk Mark, may bata raw na tumulong sa kanila habang nagsu-shooting. Nagpakilala ang bata na sakristan, na ang nanay daw ay nagtatrabaho sa simbahan. Nang matapos ang shooting at hanapin ang bata, sinabi ng nakausap nilang taga-simbahan na wala silang batang sakristan, at wala ring ginang na nagtatrabaho roon.

Showing na sa May 1 ang Maledicto, na nagtatampok din kina Eric Quizon, Martin Escudero, Franco Laurel, Nonie Buencamino, Liza Lorena, at Menggie Cobarrubias.

-Nora V. Calderon