WALANG problema kay Jasmine Curtis Smith anumang role ang i-offer sa kanya, maikli man o full-length, sa pelikula man o TV, basta nasisiguro niyang tatatak sa mga manonood ang karakter na gagampanan niya, tinatanggap niya.

Jasmine & Jeff

Gaya na lang ng role niya sa Sahaya teleserye ng GMA-7 nang gumanap siyang young Manisan, ang nanay ni Sahaya. Later on, si Mylene Dizon ang gumanap na Manisan nang dalaga na si Sahaya, na ginagampanan ni Bianca Umali. Every now and then, napapanood pa rin si Jasmine sa flashback ng istorya.

At sa horror film na Maledicto, tinanggap din ni Jasmine ang role ng madreng si Sister Barbie. Kasali siya sa exorcism scenes ng movie, dahil sila ni Father Xavi (Tom Rodriguez) ang magsasagawa ng exorcism ritual.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Nakakapagod pala ang mga eks ena s a exor c i sm, ” k u w e n t o n i J a s m i n e . “May times na ibinabalibag ako ng spirit. Nahihirapan ako dahil hindi naman ako sanay sa mga ganoong eksena, na parang action. Pero nagawa ko rin. Marami pa kaming mga ganitong eksena sa movie na first locally produced ng Fox, co-producer ang Cignal Entertainment at Unitel Pictures,” dagdag pa niya.

Showing na ang Maledicto sa May 1, in cinemas nationwide.

Nang araw na kausap namin si Jasmine ay ipinaalam niyang papunta siya sa La Union para sa soft opening ng boutique hotel nila roon ng businessman niyang boyfriend na si Jeff Ortega.

“Ako bakasyon. Si Jeff ang working dahil siya ang manager,” biro ni Jasmine.

“Incorporator lang naman ako, si Jeff at ang mga kasosyo niya ang talagang owner. Tumutulong lang ako sa marketing, visual ideas, kung ano ang kailangan nila.”

Tinanong si Jasmine ng entertainment press kung malapit na ba ang wedding nila ni Jeff.

“Na p a g - u u s a p a n d i n , pero hindi pa kami seryoso,” nakangiting sagot ni Jasmine.

Sa La Union nag-stay sina Jasmine at Jeff ngayong Holy Week.

-Nora V. Calderon