TATLONG pelikulang Pinoy ang humakot ng mga parangal sa 52nd WorldFest-Houston International Film Festival nitong Abril 13, sa Remi Awards Gala ng WorldFest sa HQ Westin Hotel sa Texas.

Eddie, Gloria, Tony copy

Nanalo ang Quezon’s Game bilang Best International Feature, habang wagi namang Best Actors ang mga bida ng Rainbow’s Sunset na sina Eddie Garcia at Tony Mabesa.

Kapwa nag-uwi rin ng Special Jury Remi awards ang dalawang pelikula.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, nagkamit naman ng Gold Remi award ang short film na JUDGEMENT ni Raymund Ribay Gutierrez.

Ayon sa WorldFest website, ang Remi award ay ipinangalan kay Frederic Remington, “who captured the spirit of Texas and The West with his brilliant sculptures and paintings in the 1800s.”

Idinirek ni Matthew Rosen, ang Quezon’s Game ay kuwento kung paanong iniligtas ni noon ay Pangulong Manuel L. Quezon, na ginampanan ni Raymond Bagatsing, ang mga Jewish refugees mula sa Nazi-Germany noong panahon bago ang World War II.

Ang Rainbow’s Sunset, na idinirek ni Joel Lamangan, ay isang LGBT-themed family drama film tungkol sa isang matandang lalaki (Eddie) na umamin sa kanyang mga anak tungkol sa pagiging bading niya, at ipinagsigawang ang tunay niyang mahal ay ang best friend (Tony) niya.

Ang JUDGEMENT ay kuwento ni Joy, ina ng isang apat na taong gulang na babae, na naglakas-loob na naghain ng kasong domestic violence laban sa kanyang asawa, batay sa synopsis ng Festival de Cannes.

-CARLO ANOLIN