Magiging maalinsangan ang panahon sa umaga, pero posible ang pag-uulan pagsapit ng hapon, sa buong bansa sa susunod na linggo.

(Kuha ni JANSEN ROMERO, file)

(Kuha ni JANSEN ROMERO, file)

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mainit na hangin ay nagmumula sa baybayin ng Pasipiko na nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Bukas, Easter Sunday, mananaig ang maulap na panahon na may posibilidad ng pag-ulan sa Palawan, Visayas, at Mindanao dahil sa easterlies.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Magiging maulap naman sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa, na may posibilidad ding ulanin pagsapit ng hapon hanggang gabi.

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na maging alerto laban sa posibilidad ng baha o landslides sa mabababang lugar at kabundukan dahil sa malaking tyasang umulan sa gabi.

Ang nasabing weather scenario ay maaaring manaig sa susunod na lima hanggang anim na araw.

Gayunman, walang inaasahang sama ng panahon ang PAGASA hanggang sa Biyernes.

Ellalyn De Vera-Ruiz