CONGRATULATIONS kina Alden Richards at Maine Mendoza! May napagtapos na kasi ng kolehiyo ang magka-love team, dahil nag-graduate na this year ang isang sinagot nila ang pag-aaral.

Kimberli Marie Lumagui

Nag-post na si Kimberli Marie Altoveros Lumagui ng graduate photo niya may hashtag na #AlDubScholar #ProudIskolarNgBayan. Nagtapos siya ng Bachelor in Banking and Finance sa Polytechnic University of the Philippines.

August 26, 2017 nang nasugod-bahay sa “Juan for All, All for Juan” segment ng Eat Bulaga si Kimberli sa isang barangay sa San Juan City. Two years pa noong mag-aaral si Kimberli, pero dahil hirap ng buhay, naiyak ang dalaga na baka hindi siya makatapos dahil ang ama raw lang niya ang naghahanapbuhay sa kanilang pamilya, at may sakit pa ang kanilang ina.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

That time, ay nasa Broadway studio sina Alden at Maine, at pinalabas sila nina Jose Manalo at Wally Bayola dahil gusto raw silang makita ng maysakit na nanay ni Kimberli na fan pala ng AlDub. At nalaman nga nina Alden at Maine ang problema sa pag-aaral ni Kimberli, kaya ang dalawa, sandaling nag-usap at pagkatapos sinabi na ni Alden na sasagutin na nila ni Maine ang tuition fee ni Kimberli, ganoon din ang monthly allowance nito hanggang sa makatapos ng pag-aaral.

Post ni Kimberli para sa Eat Bulaga at kina Alden at Maine: “Thank you, Eat Bulaga (you’ve blessed me and my family so much. I will treasure this forever). Thank you Maine Mendoza & Alden Richards (both of you are such huge blessings, from being a simple fan, I turned to be your scholar.) Napakasuwerte ko lang talaga dahil nabigyan ng chance at opportunity to be your scholar. Maraming salamat sa inyong dalawa, lalo na sa Eat Bulaga. God bless all of you more! My love to both of you will stay forever, I promise.”

Congratulations, Kimberli!

-Nora V. Calderon