After a grueling start to 2019, Team Lakay finally gets a chance to breathe.
Pumunta ng Bataan si Joshua “The Passion” Pacio para magbakasyon matapos ang ONE: ROOTS OF HONOR nitong Biyernes, Abril 12 sa Mall of Asia Arena, Manila, Philippines.
Naging pagdiriwang din ito para sa Team Lakay matapos mabawi ni Pacio ang kanyang ONE Strawweight World Title mula kay Yosuke “The Ninja” Saruta. Ang TKO na panalo din ni Edward “The Ferocious” Kelly laban kay Sung Jong Lee ay nagpadagdag din sa pagdiriwang nila.
Pero manalo o matalo man ay laging may planong pahinga at bakasyon ang Team Lakay lalo’t ang ideya ay nanggaling kay Kelly na may bahay sa Mariveles, Bataan.
“Our plan is for the team to drop by Bataan in Five Fingers in Mariveles after the fights,” sabi ni Kelly.
“We went swimming and had team building. It was an outdoor trip,” dagdag niya.
Sulit ang bakasyon nila lalo kay Kelly at Pacio na dalawang beses na lumaban sa huling apat na buwan.
Inamin ni Pacio na napagod siya at sumakit ang katawan dahil sa laban kay Saruta kaya hindi siya masyado nakapag-enjoy sa bakasyon pero masaya pa rin siya.
“I went swimming, but I did not get to go cliff diving, that would have been fun,” sabi ni Pacio.
“After this, it’s back to training.”