Patay ang anim na miyembro ng isang pamilya, kabilang ang isang sanggol nang matupok sa sunog ang inuupahan nilang bahay sa Maco, Compostela Valley, nitong Huwebes ng umaga.

FIRE

Sa report ni Randy Loy, provincial disaster action officer, nangyari ang sunog sa Adecor compound, Barangay Poblacion, dakong 4:00 ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), binawian na ng buhay ang anim nang hindi makalabas sa kanilang nirerentahang bahay na napapalibutan ng window grills.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Kabilang sa mga nasawi sina Carmen Bilucora, Ian at Janjan Bilucora.

Hindi pa rin nakikilala ng pulisya ang tatlo pa sa miyembro ng pamilya, kabilang ang isang anim na na buwang sanggol.

Hindi pa madetermina ng pulisya ang sanhi ng insidente at ang halaga ng natupok.

-Fer Taboy