GINISING noong Lunes ng umaga, April 15, ang mga Katoliko sa buong mundo sa balitang nasusunog nang oras na iyon ang pamosong Notre-Dame Cathedral na kilala ring Our Lady of Paris sa France.

Notre-Dame

Maraming pumupunta sa France para makapunta at makapasok sa Notre-Dame. Naroon daw sa loob ng cathedral ang sinasabing Crown of Thorns ni Jesus Christ na ginamit sa Kanya nang ipako siya sa krus. Isa raw iyon sa nailigtas sa malaking sunog. Puno rin daw ang cathedral ng mga priceless artwork, antiques at relics.

Kaya naman nagdeklara agad si French President Emmanuel Macron na muling itatayo ang Notre-Dame Cathedral. Sinasabing aabot ng 40 billion dollars ang magagastos sa muling pagpapatayo nito, kaya nagsimula na ang fund raising sa mga may gustong tumulong. Aabot daw ng limang taon bago muling maitayo ang cathedral.

Tsika at Intriga

'Ibalik mo mga anak ko!' Claudine Barretto, inakusahan ng umano'y kidnapping ang PA niya

Samantala, isa ang French billionaire na si Francois Henri sa mga magbibigay ng donasyon—100 million euros. Ang French billionaire husband naman ni Hollywood actress Selma Hayek ay magbibigay din ng 115 million dollars.

Tiyak naming lahat ng mayayaman sa buong mundo ay tutulong sa rebuilt ng Notre-Dame, ang kinikilalang isa sa pinakamatandang simbahan na itinayo noong 1163, na natapos taong 1345, kaya 856 years old na ito nang masunog.

May Notre-Dame Cathedral din sa Vietnam at Notre-Dame Cathedral sa Montreal, Canada.

Three years ago, nagkaroon kami ng chance na makapasok sa Notre-Dame Cathedral of Saigon na kilala ring Cathedral Basilica of Our Lady of the Immaculate Conception sa downtown ng Ho Chi Minh City, Vietnam. Iba talaga ang feeling mo roon, feeling of peace and tranquility habang nagdarasal sa loob ng simbahan, dahil kahit maraming taong nakapila papasok at palabas ng cathedral, wala kang maririnig na ingay.

-NORA V. CALDERON