Iginiit ni Pangulong Duterte na naniniwala siya sa Diyos at takot siya sa karma.

(ROBINSON NINAL/ Presidential Photo)

(ROBINSON NINAL/ Presidential Photo)

Ito ay sa gitna ng ipinapamalas na pananampalataya ng mga Katoliko ngayong Semana Santa.

Sa kanyang pagbisita sa Batangas City nitong Miyerkules Santo, inamim ng Pangulo na mayroong hindi pagkakaintindihan sa ibang tao, pero umaayon ito sa mga “fundamentals”.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

“Meron, merong tayong diperensya. Lahat naman tayo. There’s always—we cannot agree on everything. But there are fundamentals na lahat tayo… ako naman, I assure you, I believe in God and takot ako sa karma,” paliwanag ng Pangulo sa mga dumalo sa PDP-Laban campaign rally.

Aminado rin ang Presidente na dalawang beses na siyang nakarma, kaya ayaw na niyang gumawa ng mali.

“Kung ‘yang ginagawa ko maintindihan ng Panginoong Diyos, ah okay lang. But ako, ayaw ko ‘yung to commit a wrong, ‘yung malice. Mahirap ‘yan. I have experienced karma twice over,” aniya.

Ang nasabing pahayag ni Duterte ay taliwas sa ilang beses niyang pagbatikos sa Simbahang Katoliko at sa mga mananampalataya nito.

-Genalyn D. Kabiling