POSIBLENG patawan ng kaukulang multa ng PBA Commissioners Office ang mga manlalarong sina Christian Standhardinger ng San Miguel at Calvin Abueva ng Phoenix Pulse matapos ang gulong kinasangkutan nila na nagresulta sa pagpapatalsik sa una nitong Lunes sa Game 2 ng kanilang PBA Philippine Cup semifinals series sa Araneta Coliseum.

Katunayan, habang sinusulat ang balitang ito, hinihintay si Standhardinger sa Commissioner’s Office para magpaliwanag matapos siyang matawagan ng flagrant foul 2 penalty na nagresulta sa kanyang “outright ejection”.

Hindi naman ipinatawag sa tanggapan ni Commissioner Willie Marcial si Abueva ngunit inaasahan ng papatawan ito ng multa pagkaraang makailang beses na magpakita ng “dirty finger” sa national TV.

Nangyari ang gusot sa pagitan nina Standhardinger at Abueva may 6:10 pang oras na natitira sa second canto, lamang pa ang Phoenix. 35-26.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Habang kapwa nakadapa sa sahig, nasipa ni Standhardinger sa mukha si Abueva habang pumipiglas ito para makatayo.

Ngunit, ng papatayo na ito ay nakitang sinipa ni Standhardinger si Abueva sa groin area kung kaya tinawagan ito ng F2 ng referee at na thrownout sa laro.

Nauna ng sinabi ni Standhardinger na flop lamang ang ginawa ni Abueva bago ito humingi ng paumanhin pagkatapos ng laro na napanalunan ng Beermen, 92-82 upang itabla sa 1-1 ang serye.

Karaniwang multa kapag nag commit ang isang manlalaro ng F2 foul ay P20,000.

-Marivic Awitan