TINATAWANAN na lang ni JK Labajo ang mga panawagan ng ilang netizen na magpa-check up na siya sa isang psychologist upang malaman ang kalagayan ng kanyang pag-iisip.
Matatandaang nitong nakaraang buwan lamang ay nasangkot ang singer sa ilang kontrobersiya pagkatapos nitong patulan ang isang manonood sa kamakailan nitong gig sa Circuit, Makati.
Bukod pa rito ang Twitter word war nila ng kapwa singer at The Voice Kids co-finalist na si Darren Espanto, at ang pagmumura ni JK sa isang music festival matapos isigaw ng isang fan ang pangalan ni Darren habang nagpe-perform siya sa entablado.
Kasunod nito, sinabi ni JK na may mga nagbabanta sa kanyang buhay.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories nitong Linggo ng gabi, April 14, ibinahagi ni JK ang kanyang saloobin tungkol dito:
“Pretentious act saying I need psychological help yet they’re the ones who got fooled by the angelic mask. Master of manipulation. The truth will prevail and when that happens, I’ll laugh.”
Dagdag pa ng vocalist ng Juan Karlos band, hindi niya kailangang patunayan ang kanyang pagiging inosente.
Ang mahalaga, alam daw ng mga taong nakakakilala sa kanya ang totoo.
“No need to prove my innocence. Only the people who know me well know the truth and that is enough. I’m waiting patiently, for the day where they show their true colors. That’s going to be a colorful day. I’m waiting.”
Pinasikat ni JK ang awiting Buwan, kung saan umabot na sa 107 million views ang music video nito sa YouTube.
-Ador V. Saluta