LOS ANGELES (Reuters) – Nanawagan ang mga direktor ng Avengers: Endgame sa mga fans nitong Martes na huwag i-spoil ang pelikula sa pagbibigay ng magiging takbo ng istorya matapos ang mga balita na ilang eksena sa pelikula ang nag-leak online.
Sa isang open letter na ipinost sa Twitter na may hashtag na #DontSpoilTheEndgame, sinabi nina Joe at Anthony Russo na sila at ang malaking cast ng upcoming Marvel superhero movie “have worked tirelessly for the last three years with the sole intention of delivering a surprising and emotionally powerful conclusion” para sa saga.
“When you see Endgame in coming weeks, please don’t spoil it for others, the same way you wouldn’t want it spoiled for you,”pakiusap ng mga direktor.
Ang Avengers: Endgame ng Walt Disney Co. ang magbibigay ng wakas sa kuwento ng naunang 22 pelikula ng Marvel. Mahigpit ang pagtatago sa plot ng pelikula, na walang advance screenings para sa entertainment press. Nalampasan na rin ng sales ng advance tickets ngayong buwan ang 2015 movie na Star Wars: The Force Awakens.
Nakatakdang ilabas ang pelikula ngayong Abril 24 sa Australia at China bago dalhin sa Amerika sa Abril 25.
Ilang mga fans ang nagsabi nitong Martes na nakita nila sa Reddit, YouTube at iba pang sites ang maikling eksena sa pelikula, ngunit mabilis itong nabura. Hindi naman nagbigay ng komento ang Disney sa balita.
Nitong martes nanguna sa Twitter trends ang hashtag na #DontSpoilTheEnding. May mga fans naman na nakapanood umano ng leaked scene ang nagsabing lalo lamang silang nasabik sa pelikula.
“I was upset for about 0.2 seconds then realized how cool it was and it made me so hyped,” komento ng isa sa Reddit.