Anim na tao ang namatay nitong Martes, Abril 16 sa Santiago, Chile matapos mag-crash ang isang light aircraft sa isang bahay sa southern Chile, ayon sa mga awtoridad.

(Natalie Aguayo, Reuters)

(Natalie Aguayo, Reuters)

Nahulog ang eroplano nang tumama sa power lines matapos nitong mag-take off mula sa La Paloma airport sa Puerto Montt, isang port city, 1000km (600mi) sa timog na bahagi ng capital ng Santiago, sabi ng governor ng Los Lagos region na si Harry Jurgensen.

Hindi inilabas ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga biktima pero binanggit nila na isa sa mga namatay ang piloto at dalawang babae at apat na lalaki. Wala naman tao sa bahay na tinamaan ng eroplano.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Pagmamayari ng "Archipielago" company ang eroplano na ginagamit ng mga commercial flights sa isang region na mahirap puntahan.