Napatay ang dalawang jail guard at isang tricycle driver nang pagbabarilin sila ng riding in tandem sa Villaba, Leyte, nitong Martes ng hapon.

Dead on the spot sina prison guards Leo Gonzales at Genesis Piamonte, kapwa tauhan ng Palompon Sub-Provincial Jail; habang binawian ng buhay sa Palompon District Hospital si GeneJay-R Escoton, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Sa paunang report, kasama ng dalawang biktimang nagsisilbing escort ng limang presong sakay ng isang tricycle na bumabagtas sa Bgy. Tagbubunga nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo, dakong 4:30 ng hapon.
Hindi naman nasugatan ang limang presong sina Ramonito Tahanlangit, Rommel Tahanlangit, Ronnie Pagatpat, Jerimy Davocol at Renan Dawaton.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga suspek at motibo ng mga ito.
-Marie Tonette Marticio