SA finale presscon ng Halik ay inamin ng mga bidang sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos na malaki ang nagawa ng mga karakter nila sa serye dahil nabago ang pagtingin sa kanila ng netizens.

Yam copy

Dati nang nangyari ito kay Echo, na hindi malilimutan sa seryeng Pangako Sa ‘Yo nila ni Kristine Hermosa sa karakter niyang Angelo Buenavista. Halos dalawang taon din kasing umere ang teleseryeng nagsilang din sa karakter ni Eula Valdez bilang si Amor Powers.

At bilang si Lino ngayon sa Halik, sinabi ng aktor na hindi na siya tinatawag sa kanyang pangalan. “Lino na ang tawag sa akin.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Si Yen naman bilang si Jacky ay labis ang pasasalamat kay Direk Ruel S. Bayani, dahil natupad ang pangarap niyang magkaroon ng teleseryeng tatatak sa manonood.

“Sobrang thankful ako kay Direk Ruel na napunta sa akin ‘to, kasi, ‘eto ‘yung talagang matatawag ko na ‘uy, aktres na ako.’ Kasi ‘yung iba ko naman pong nagawa, parang hindi pa siya ganu’n ka-mature, eh. Ito ‘yung pinaka-challenging at pinaka-mature na nagawa kong role.

“And sabi ko nga nun’g time na lalabas ako ng bahay, dati, pangarap ko lang na sana, magkaroon ako ng character na everytime na lalabas ako, ‘yung character ko ang itatawag sa akin, at nangyari po sa Halik.

“’Pag lumalabas ako ng bahay, ako na po si Jacky. Kaya sobrang sarap po sa feeling na mapasama ka sa ganito ka-successful na show,” nakangiting kuwento ni Yen.

Kung sina Lino at Yen ay magaganda ang nababasang komento s a s o c i a l media at naririnig naman sa tuwing may makakasalubong sila, kabaligtaran naman ang nangyari kay Yam bilang si Jade. Isinusumpa siya ng lahat sa pagiging kabit ni Ace Corpuz (Sam Milby).

Pero para kay Yam ay hindi niya inisip na negatibo.

“I think it’s a compliment. Kasi, character lang naman ‘yun, hindi naman ako ‘yun. So, I guess, yeah, kaya sarap ng feeling, nakakatuwa. Parang ‘Jade’, kung baga, it’s part of a dictionary, a different dictionary, it’s a word.”

At dahil epektibo si Yam sa karakter niyang kabit sa Halik ay nakatanggap siya sa kauna-unahang pagkakataon ng Best Actress award mula sa Gawad Filipino Awards, habang si Echo naman ang Best Actor noong Disyembre.

Sa gabi-gabing kinamumuhian si Yam as Jade kaya parati siyang trending kaya iginawad sa kanya ang Most Trending Actress award sa Philippine Social Media 2018.

“Mas na-inspire ako lalo na pagbutihin ang trabaho ko. Sobrang challenging i-portray ‘yung role ni Jade. Very complex, very round character, very flawed.

“So, para sa akin, tinanggap ko ‘yung challenge na ‘yun for me to grow as an actress and I really learned a lot. You know, what a journey it has been for me, especially sa aking career.

“It humbles me a lot also. Saka, ang galing. ‘Pag lumalabas ako, Jade na ‘yung pangalan ko. Minsan, hindi nga nila ako tinatawag na Yam, nakakalimutan nila ako. (Sinasabi nila) ‘ano nga ang pangalan niyan? Si Jade ‘yan, eh.’ Ayun. So, parang nakakatuwa, nakaka-flatter and ‘yun, it inspires me more to learn, and there’s a lot to learn. And I’m excited. Parang ‘yung fuel na meron ako, parang mas lalong tumitindi.”

Abangan ang ilang araw na natitira sa Halik at alamin kung sino ang tuluyang mawawalang karakter kina Lino, Ace, Jacky at Jade.

-Reggee Bonoan