LA Clippers at Philly Sixers, nakabawi para sa 1-1 serye

OAKLAND, California (AP) — Tila nahawa ang aura ng Los Angeles Clippers sa makasaysayang pagbabalik sa pedestal ni golfing icon Tiger Woods.

COUSINS: Out sa Game 3?

COUSINS: Out sa Game 3?

Isang araw matapos ang markadong panalo ni Woods sa Masters, nagawang maipatas ng Clippers ang best-of-seven Western Conference playoff laban sa two-time defending champion Golden State Warriors matapos bumalikwas sa 31 puntos na pagkakabaon tungo sa 135-131 desisyon nitong Lunes (Martes sa Manila).

Naisalpak ni Landry Shamet ang go-ahead 3-pointer may 16.5 segundo ang nalalabi, habang nabigo si Stephen Curry na pantayan ang kabayanihan para makumpleto ang pinakamalaking pagkolapso sa serye ng Warriors sa harap nang natulalang home crowd sa Oracle.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Nahigitan ng Clippers ang makasaysayang pagbabalik mula sa 29 puntos na paghahabol ng Los Angeles Lakers sa 1989 Western Conference semifinals kontra Seattle Supersonics.

Nanguna si Curry sa warriors sa naiskor na 29 puntos, kabilang ang jumper na naglagay sa Golden State sa 131-128 bentahe may 58 segundo sa final period. Ngunit, naiwan ng depensa si Shamet para maitabla ang iskor.

Muling nagtabla ans iskor sa jumper ni Lou Williams, nanguna sa Clippers sa matikas na 36 puntos, tamp[ok ang 8-of-10 sa free throw.

Hindi na nakabalik sa laro si DeMarcus Cousins matapos ma-injured ang kaliwang quadriceps muscle nang tangkaing habulin ang bola mula sa kanyang steal sa kaagahan ng first period. Sa kabila nito, matikas ang opensa ng Warriors na umabante ng 23 puntos sa halftime at napalaki sa 31puntos sa kaagahan ng third period.

Subalit, hindi nawalan ng loo bang Clippers at sa pangunguna ni Williams nagawang maibaba ang bentahe sa final period. Nakumpleto ni Williams ang three-point play para mailapit ang iskor sa 120-117 may 5:34 sa laro.

Nakatakdang sumailalim si Cousins sa MRI – ikalawang injury sa ikalawang career playoff game matapos ang siyam na taon.

Hindi pa laminas kung makbabalik siya sa laro sa Game 3 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Staples Center.

Kabilang si LeBron James sa maagang nagbigay ng pagpalakas-loob kay Cousins sa Twitter.

Binalikat ni Kevon Looney ang pagkawala ni Cousins para maitala ang career-high 19 puntos, ngunit natuldukan ang seven-game postseason winning streak ng Warriors. Nag-ambag si Durant ng 21 puntos, limang rebounds at limang assists, habang tumipa si Klay Thompson ng 17 puntos at kumana si Draymond Green ng 14 puntos at siyam na assists.

SIXERS 145, NETS 123

Sa Philadelphia, sinagot ni Ben Simmons ang batikos ng home crowd sa impresibong laro para sandigan ang Sixers sa dominanteng panalo at maitabla ang Eastern Conference playoff series sa Brooklyn Nets sa 1-1.

Sa harap ng nagbubunying crowd, kabilang ang icon at one-time MVP star na si Allen Iverson, nagpamalas ng tapang at katatagan si Simmons para patunayan na angkop siya sa koponan.

Hataw si Simmons sa naiskor na 18 puntos, 12 assists at 10 rebounds para akayin ang Philadelphia 76ers laban sa Brooklyn Nets sa Game Two ng serye.

Palpak at nagkalat si Simmons sa Game One na nakapagtala lamang ng siyam na puntos. Naging tampulan siya ng ‘boos’ na agad niyang kinastigo matapos ang laro.

Binago niya ang approach sa fans at ibinuhos ang ngitngit sa laro na sinaksihan ng 20,591 crowd.

Pinangunahan niya ang ratsada na 14-0 run ng Sixers upang mailayo ang iskor ang siguruhin ang panalo. Bilang tugon, binigyan siya ng standing ovation ng crowd.

Nagbigay ng suportaa sa kanya sina Iverson at dating Sixers ay Hall-of-Famer Dikembe Mutombo na namigay ng T-shirts sa crowd.

“We expect a haymaker,” pahayag ni Nets coach Kenny Atkinson. “We know it’s coming. They’re too good, too talented. too well coached. It’s coming. It’s going to be how we react.”

Isinantabi ni Joel Embiid ang nararamdamang sakit sa tuhod at nag-ambag ng 23 puntos at 10 rebounds.

“This is just the path we’re on with Joel,” sambit ni coach Brett Brown. “There is zero doubt he is our crown jewel.”

Host ang Nets sa Game 3 at 4.

Nanguna si Spencer Dinwiddie sa Nets na may 19 puntos at kumana si D’Angelo Russell ng 16.