Sabik na inanunsiyo ng ONE Chairman at CEO Chatri Sityodtong na umabot ng 41.9 million viewers nitong nakaraang Marso 31 ang ONE: A NEW ERA.

Ito ay isang malaking hakbang para sa The Home Of Martial Arts mula sa 700,000 viewers sa loob ng apat na taon ayon sa Nielsen, umabot na ng multi-million level ang ONE.

“I'm thrilled to announce that ONE: A New Era in Japan broke a new record viewership high for ONE Championship with 41.9m viewers from around the world,” sabi ni Sityodtong.

“While it did not hit the target of 50 million that my team and I had set out to achieve when we decided to throw this mega event in Tokyo, I am full of gratitude and appreciation to the greatest fans in the world.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tatlong Pilipino ang kasama sa card, sa pangunguna ni Eduard “Landslide” Folayang na nabigo na madepensahan ang kanyang ONE Lightweight World Title laban kay Shinya “Tobikan Judan” Aoki.

Si Kevin “The Silencer” Belingon din ay natalo sa kamay ni Bibiano “The Flash” Fernandes at nakuha ang kanyang ONE Bantamweight World Title habang si Danny “The King” Kingad ay ang sumalo sa Team Lakay matapos niyang matalo  si Senzo Ikeda sa ONE Flyweight World Grand Prix.

“Our 3-year goal is to achieve an average of 100m viewers per event,” pagmamalaki ni Sityodtong. “It might sound crazy, but I work with the best team on the planet.”