Nasunog ang tuktok ng Notre-Dame Cathedral sa Paris—pero naisalba ang mga kampana ni Quasimodo.

SEMANA SANTA PA NAMAN Nasusunog ang tuktok ng Notre-Dame Cathedral sa Paris, France nitong Lunes ng hapon (Martes ng umaga sa PIlipinas). AFP

SEMANA SANTA PA NAMAN Nasusunog ang tuktok ng Notre-Dame Cathedral sa Paris, France nitong Lunes ng hapon (Martes ng umaga sa PIlipinas). AFP

Nangako si French President Emmanuel Macron na itatayong muli ang Notre-Dame Cathedral sa Paris, makaraang lamunin ng malaking apoy ang tuktok nito, na nagbunsod upang matupok at bumagsak sa lupa ang iconic spire ng makasaysayan at antigong simbahan.

Nagpahayag naman ng katuwaan si Macron na “the worst had been avoided” sa sunog na muntik nang magpaguho sa buong simbahan, habang gulantang na nakamasid ang Paris at ang buong mundo nitong Lunes ng hapon (Martes ng madaling araw sa Pilipinas) sa pagliliyab ng gusaling inilarawan bilang kaluluwa ng France.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Gayunman, nawasak ng sunog ang bubong ng 850-anyos na UNESCO world heritage landmark, na ang nakamamanghang Gothic spire ay natupok at bumagsak sa harap mismo ng mga nanghihinayang at nababahalang tao.

Ang sunog, na nangyari ilang araw bago ipagdiwang ng mga Katoliko ang Easter Sunday, ay pinagsumikapang apulahin ng nasa 400 bombero, na nagpursigeng maisalba ang dalawang bell towers ng simbahan.

Sinabi ni Paris fire brigade chief Jean-Claude Gallet na “we can consider that the main structure of Notre-Dame has been saved and preserved”, gayundin ang dalawang bell tower.

Napaulat na naisalba rin ang mahahalaga at sagradong religious pieces sa loob ng simbahan.

Hindi pa makumpirma ang dahilan ng sunog. Sumasailalim sa masusing restoration ang simbahan, at sinabi ng mga bombero na posibleng ito ang pinagsimulan ng sunog.

AFP