NAKARANAS ng rotating brownout nitong nakaraang linggo ang Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon. Base nitong tanghali ng Biyernes, nasa 1.38 milyong kostumerâmga bahay, pabrika at mga opisinaâng Manila Electroc Co. (Meralco) ang apektado, gayundin ang nasa libong iba pang kostumer ng ilang electric cooperatives. Sa labas ng Metro Manila, nasapol din ng pagkaantala ng kuryente ang mga probinsiya ng Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon.
Nagpatawag si Energy Secretary Alfonso Cusi ng biglaang pulong kasama ng mga nagpapatakbong mga kumpanya at iba pang mga stakeholders. Ang malawakang pagkawala ng suplay ng kuryente ayon sa Department of Energy, ay dahil sa kombinasyon ng planong pagsasaayos (maintenance) at biglaang kakulangan sa ilang planta ng kuryente.
Dahil sa pagbagsak ng generation capacity, naglabas ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng yellow alert notice nitong Huwebes ng umaga, paalala ng mababang reserba, na sinundan pa ng red alert nang sumunod na araw, dahil nagkukulang na ang suplay sa grid.
Gayunman, ayon sa NGCP nahaharap ang bansa sa âavoidable power crisisâ. Maiiwasan sana ito kung mabilis na aaksiyon ang pamahalaan upang resolbahin ang nakabinbin na mungkahi para sa mga bagong pasilidad ng kuryente. Nananatiling nakabinbin ang nasa 5,000 megawatts ng mga mungkahing pasilidad sa ilang ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Energy Regulatory Commission (ERC).
Nangangailangan tayo ng dagdag at bagong mga planta ng kuryente. Sinasabing maraming planta na napipilitan at biglaang nagkakaaberya ang may 15 taon nang nakatayo at patuloy na pinapatakbo sa kabila ng kawalan ng kakayahan. Kapag biglaang namamatay, nagreresulta ito sa kakulangan ng kabuuang suplay ng kuryente sa grid, tatataas ang presyo sa mga spotmarket, na magdudulot ng mas mataas na singil sa publiko.
Higit na kritikal kumpara sa pagtaas ng presyo, ay ang brownouts na ngayon ay nararanasan sa mga kabahayan at ilang komersiyal at industriyal na operasyon, kasama ng maraming maliliit na negosyo. Magdurusa rin ang nasa transportasyon at lahat ng iba pang sektor ng ekonomiya. Tulad ng Metro Manila rail networks na nakaasa ng malaki sa matatag na suplay ng kuryente.
Matinding maaapektuhan ng isang krisis sa kuryente ang programang âBuild, Build, Buildâ ng administrasyon, laloât nangangailangan ng malaking kuryente upang magpatuloy ng operasyon ang mga pabrikang gumagawa ng semento at bakal, mga pangunahing kailangan sa industriya ng konstruksiyon.
Nag-uugat ang lahat ng ito sa pangangailangan ng matatag na suplay ng kuryente upang makamit ang pangangailangan ng pambansang pag-unlad. Marami sa kasalukuyang mga planta ng kuryente ang bumibigay at kinakailangan na ang mga bago at mas maraming planta. Aaabutin ng lima hanggang pitong taon bago makapagtayo ng isang planta ng kuryente.
Ang abiso ng red at yellow alert at ang kasalukuyang mga nararanasan na brownout ay sintomas ng krisis na maaaring sapitin natin, ngunit tulad ng iginiit ng NGCP, ito ay isang âavoidable crisisâ. Maiiwasan ito kung magpapatupad ng agarang aksiyon ang Department of Energy, ang Energy Regulatory Commission, at ang iba pang sangkot na ahensiya ng pamahalaan, sa maraming nakabinbin plano para sa pagtatayo ng mga bagong planta ng kuryente na matagal nang naantala