Hindi na kailangang problemahin ng mga bibiyahe sa mga sikat na tourist destinations sa bansa ang hassle sa pagpapa-book o pagbili ng ticket para sa pagsakay sa bus, dahil mayroon nang digitized provincial bus booking platform ang Department of of Science and Technology.

BUS

Gamit ang Easybus PH, maaari nang magpa-book online ang mga biyahero na bibisita sa bulubunduking Cordillera o sa naggagandahang beaches ng Bicol.

Hangad ng bagong online provincial bus booking platform na makapagbigay ng mas maayos at alternatibong paraan upang mapadali at maging mas maginhawa ang paglalakwatsa gamit ang online portal.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tiwala naman si DoST-PCIEERD Executive Director Dr. Enrico C. Paringit na malaki ang manitutulong ng Easybus PH upang mapasigla pa ang turismo sa bansa.

Gamit ang Easybus PH, maaaring makapag-book ang biyahero ng bus patungong Baguio City, Banaue at Lagawe sa Ifugao; o sa Daet sa Camarines Norte, Naga City at Iriga City sa Camarines Sur, Legazpi at Tabaco Cities sa Albay, at Gubat, Matnog, at Sorsogon City sa Sorsogon.

Bisitahin lang ang www.easybus.ph kung saan makikita ang petsa at oras ng pag-alis ng bus, destinasyon nito, bus line, bus type, at kung ilan pang upuan ang available.

Maaari ring magbayad sa pamamagitan ng online at sa mga payment center.

-Dhel Nazario