HINDI pahuhuli ang Batang Mindanao sa larangan ng basketball. At siyam na kabataan ang kakatawan sa rehiyon sa National level matapos mapili sa isinagawang Jr. NBA Philippines Regional Camp nitong weekend sa Fr. Saturnino Urios University sa Butuan City.

PAKITANG-GILAS ang mga batang kalahok sa ikalawang araw ng pagsasanay sa JR. NBA Philippines Regional Selection Camp sa Butuan City.

PAKITANG-GILAS ang mga batang kalahok sa ikalawang araw ng pagsasanay sa JR. NBA Philippines Regional Selection Camp sa Butuan City.

Anim na lalaki at tatlong babae ang nakalusot sa matinding pagsasanay at magiging tagapagtaguyod ng Mindanao sa National Training Camp sa Metro Manila ngayong taon.

Kabuuang 500 campers ang tumugon sa panawagan ng Jr. NBA Philippines Regional Selection Camp, sa pangangasiwa nina NBA coach Carlos Barroca at PBA veterans Tony dela Cruz at Willie Miller, para matutunan ng kabataang Pinoy ang basic ng laro, gayundin ang paghibog sa kanilang katauhan batay sa ipinapatupad ng S.T.A.R. values ng camp.

Makakasama sila sa National Training Camp sa Mayo 17-19 kasama ang mga kapwa campers mula sa naunang Regional Selection Camps at Alaska Power Camp group upang makabuo ng 2019 Jr. NBA Philippines All-Star team.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

“If they get in shape because they play very intense, then they have their chances. They have good quality, I think we were lucky we chose six good all-stars from the boy’s side and three on the girl’s side. They have their chances,” sambit ni Carlos. “The way that they’re going to work from now to the day of the NTC is going to be really important. I told them that they need to work and get in better shape. So, it’s up to them now.”

Ang mabubuong Jr. NBA Philippines All-Stars— limang lalaki at limang babae – ang isasabak sa first Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp, kasama ang mga kabataan mula sa Asia-Pacific region.

Ang Asia-Pacific regional ay pipili ng 10 lalaki at 10 babae na kakatawan sa rehiyon para sa Jr. NBA Global Championship sa Aug. 6-11 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney World sa Orlando, Florida. Tatampukan ang international event ng mga players mula sa United States, Canada, Latin America, Europe, the Middle East, China, Mexico, Africa, India at Asia-Pacific.

May pagkakataon pa ang iba na makalahok sa gaganaping Jr. NBA Philippines Regional Selection Camp sa Metro Manila sa April 27-28,

Sa mga intersadong makiiisa, magpatala sa online www.jrnba.asia/philippines.

Narito ang kompletong listahan ng mga matitikas na kabataan mula sa Butuan camp.

Sa lalaki – Apl McAndrei Gema, 12, ng Corpus Christi School, Khyree Axxel Ayaoa, 13, SPED Intergrated School; Daniel John Quijada, 13, Holy Child College of Davao; James Felix Rosario, 13, Corpus Christi School; Nick Ivan Tud, 13, CorJesu College; Paolo Mathew Kho, 14, Corpus Christi.

Sa babae – Razzylla Jane Lubrico, 13, Corpus Christi; Xaniah Venice Ebajan,14, Corpus Christi at Mikylla Taborada, 14; Corpus Christi.