SA finale grand mediacon ng seryeng Halik ng ABS-CBN, naurirat ang isa sa mga bida na si Jericho Rosales (my labs) ng invited showbiz writers kung bakit five years na silang kasal ni Kim Jones pero wala pa silang anak.

Bakit nga ba? Eh kasi daw, pareho silang may trabaho ng misis niya. Pareho pa silang may kanya-kanyang pangarap na gusto pa nilang ma-achieve, etcetera, etcetera.

“Bringing a baby into this world is not a good idea, kasi kawawa ‘yung baby. Papatayin namin ‘yung mga pangarap namin dahil gusto namin mag-baby? Wala namang nagpre-pressure sa amin magka-baby. Kultura lang at tradisyon natin ‘yan.

“I am so blessed to have a beautiful wife who actually has the same passion. We talked about it already. She’s going to study, I am going to study. She’s building a company. I am rebuilding myself.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabi ni Jericho na sa abroad nagtatrabaho ngayon ang kanyang misis, at may plano rin siyang mag-aral, gaya ni Kim. Gayunman, nilinaw ng aktor na gusto rin naman nilang magkaanak.

“We feel that sa buhay namin, parang ang daming umagaw nung mga gusto naming gawin sa buhay. ‘Yan siguro ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa kaming baby ni Kim. Pero gusto rin naman naming magkaanak ni Kim sa tamang panahon.

“We are so open. Who knows, ‘di ba? All I know is I am not ready. I don’t want to be an absentee dad. We are both not ready but we are happy.

“It’s just that having a baby nowadays, there’s seven billion more people in the planet. I am just saying that bago tayo maglagay ng isa pang buhay ulit, let’s make sure that ang attention natin is there,” sabi pa ng nag-iisang Jericho Rosales ng Philippine showbiz world, na kinabiliban ang role sa Halik dahil sa kanyang determinasyon na gawin ang tama para maging mabuting ama sa kanyang anak.

O, ‘yun na! Tipong may konek sa real life story nila ni Kim at nakaka-relate talaga si Jericho sa istorya ng Halik nila nina Sam Milby, Yam Concepcion, at Yen Santos, mula sa unit ni Direk Ruel S. Bayani.

-MERCY LEJARDE