Daan-daang pasahero ang nahirapang sumakay ngayong Lunes, ang unang araw sa isang-linggong taunang maintenance shutdown ng MRT.

PAHIRAPAN Tumambak sa EDSA Cubao sa Quezon City ang napakaraming pasaherong na-stranded dahil sa pahirapang pagsakay, bunsod ng isang linggo hindi pagbiyahe ng MRT simula ngayong Lunes. (MARK BALMORES)

PAHIRAPAN Tumambak sa EDSA Cubao sa Quezon City ang napakaraming pasaherong na-stranded dahil sa pahirapang pagsakay, bunsod ng isang linggo hindi pagbiyahe ng MRT simula ngayong Lunes. (MARK BALMORES)

Dahil dito, sinabi ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati, na nasa 140 bus ang ipinakalat ngayong Lunes upang magsakay ng mga naapektuhan sa pansamantalang suspensiyon ng biyahe ng MRT.

Gayunman, daan-daang pasahero pa rin ang nahirapang makasakay sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon kay Capati, dakong 7:00 ng umaga ay 112 bus na ang nai-deploy nila para mag-pick-up ng mga pasahero sa mga istasyon ng MRT, habang ilang bus naman ang kinailangang lumampas sa ilang pick-up points dahil prioridad ang mas maraming pasaherong stranded.

Dahil dito, nagpasya ang Department of Transportation (DOTr) na dagdagan pa ang ipakakalat nilang bus sa mga susunod na araw, alinsunod sa Bus Augmentation Program ng kagawaran.

Nagsimula na kahapon, Lunes Santo, ang maintenance shutdown ng MRT, at balik-operasyon sa Abril 22.

Ang bus deployment naman ng DOTr ay bibiyahe lang simula kahapon hanggang sa Miyerkules Santo (Abril 17), Sabado de Gloria (Abril 20), at Easter Sunday (Abril 21). Walang biyahe ng mga bus sa Huwebes Santo (Abril 18), at Biyernes Santo (Abril 19).

-Mary Ann Santiago