KILALA ang bayan ng Panganiban s a Ca t a ndua n e s bilang pangunahing pinagmumulan ng masasarap na mud crab sa Pilipinas. Sa katunayan, “home of the tastiest crabs in the Philippines” ang bansag sa Panganiban. K a r a m i h a n s a m a s a s a r a p n a a l i m a n g o n a pinararami sa mga fishpond sa Quezon, Bulacan, Pampanga, at iba pang mga lugar, ay galing sa bayang ito.

IMG_5943

Sa pagsisimula ng summer season, binuksan din sa publiko ang unang floating restaurant sa Catanduanes, sa may hilagang b a h a g i n g lalawigan.

Mu l a s a fresh oyster sisig, sweet and sour Lapu-lapu, inihaw na isda, fresh buko juice na pamatid-uhaw, at tinolang native na manok, ihinahain din—siyempre pa—ang masasarap na putahe ng alimango, gayundin ang naglalakihang sugpo at lobsters.

Tsika at Intriga

'My face card at 9 years old!' Andrea flinex throwback pics noong 'nene' pa

Mula sa kabisera ng bayan, gamit ang bangkang de-motor, tatawirin lang ang bahagi ng Dagat Pasipiko papunta sa gitna, sa loob lang ng 10 minuto. Masisilayan—habang ginugutom na naglalayag—ang magandang mangrove areas, palakaibigang mga mangingisda, at luntiang bundok, na preskong-presko sa paningin, lalo na para sa mga taga-Metro Manila.

Habang ine-enjoy ang food trip, puwede ring mag-side trip sa mga kuweba at mag-bird watching.

IMG_5923

Limang minuto mula sa floating restaurant, maaaring pasyalan ang napakaganda at preskong tanawin ng Panay Island at Lolong Point. Konting kembot lang sa paglalakad mula sa dalampasigan, masisilayan naman ang isa sa iilan na lang na antigong light houses.

May bonus pang mabango at sariwang simoy ng hangin sa isang kalapit na resort, na perfect sa meditation o pagninilay-nilay, lalo na ngayong Semana Santa.

Kung may balak na sumugod sa Panganiban at kumain ng bonggang seafoods na ipinagmamalaki ng Catanduanes, makipag-ugnayan lang sa tourism office ng lalawigan upang kayo ay mapaghandaan.

-Sinulat at mga larawang kuha ni JINKY LOU TABOR