TAPOS na ang shooting ni Direk Erik Matti ng Reality Entertainment horror movie na Kwaresma, na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at John Arcilla. Habol na habol sa showing sa May 15 ang pelikula na kinunan sa Baguio.
Pagkagaling ni Sharon sa US at Canada tours ay kaagad siyang umakyat sa Baguio para tapusin ang mga natitira niyang eksena sa pelikula.
Habang nasa tour at nagsu-shooting, ina-update ni Sharon ang followers niya sa social media tungkol sa kanyang pagpapapayat.
Nitong huli, nag-post siya ng litrato niya noong payat pa siya at may caption: “I am SOOO on my way back to this old body of mine! God bless you all.”
Kamakailan, sa isa pang post, pinagtabi ni Sharon ang old photo at new photo niya at kita sa huli na malaki na ang kanyang ipinayat. Kaya siguro mas inspiradong magtrabaho ngayon ang Megastar dahil nagbunga na ang mga paghihirap niya sa pagpapapayat.
Sa isang video post, na kitang may shape na ang katawan niya, sinabi ni Sharon: “Thank you for your prayers! Got only 1-1/2 hours of sleep in the hotel, and a few more in the van on our way home. Arrived safely!”
I b i n a l i t a rin ni Sharon na ang BTS ng Kwaresma ay ipalalabas sa Facebook page ng Reality Entertainment sa Black Saturday, 6:00 pm.
Sa May 1, new trailer naman ang ilalabas
-NITZ MIRALLES