KAYA na ngayong harapin ng mahihirap at biktima ng mga kalamidad ang mga pagsubok sa buhay at maging handa para sa mga inaasahang trahedya gamit ang basic disaster risk reduction and management skills na kanilang natutuhan mula sa Moving Urban Poor Communities Towards Resilience, o Move Up Project.

Sa isang forum sa Maynila kamakailan, ibinahagi ni Move Up Project consortium manager, Chrisnobe Cruz, na nagsimula ang proyekto noong 2016 at nakatuon ang unang bahagi nito sa pagtukoy sa mga disaster-prone urban areas at paglikha ng mga kabuhayan sa mga lungsod ng Malabon, Quezon, at Valenzuela. Nakatuon naman ang ikalawang bahagi nito sa pagpapatupad ng nabanggit na mga aktibidad sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas.

“It aims to help 20 barangays, five cities and 45,000 individuals as the beneficiaries. It wants to empower communities and create a sustainable environment that will support these empowered communities,” ani Cruz.

Pinondohan ng European Union Civil Protection and Humanitarian Aid Operations, hangad ng proyekto na mapalakas at matulungan ang mga komunidad na maging handa at may kakayahan laban sa mga lahat ng uri ng sakuna tulad ng lindol, bagyo at sunog.

Night Owl

Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito

Kasama rin sa proyekto ang tatlong bahagi, na kinabibilangan ng “design and employment of alternative temporary shelters (ATS), provision of mechanisms and strategies for resilient and sustainable livelihood, and institutionalization of resilience initiatives through evidence-based advocacy.”

Ipinaliwanag naman ni Cruz na ang ATS ay probisyon para sa sapat, maayos at ligtas na lugar matapos ang sakuna, lalo na sa mahihirap na lugar at upang masiguro ang pagbangon ng mga biktima matapos ang kalamidad.

Para kay Rodel Lobo, chairman ng Barangay Tatalon, Quezon City, na isa sa mga dumalo sa forum, hindi niya inakala na maipatutupad sa kanyang lugar ang proyekto dahil sa ideal nitong dating.

“But last year, our district was badly hit by a typhoon and we were able to use a model of the ATS that can house six to eight members of families each. Now, our vision is to have evacuation centers with ATS models,” aniya, idinagdag na ang modernong disenyo ng mga kanlungan ay nagbibigay sa evacuees ng privacy habang nasa evacuation centers.

Ayon kay Cruz, ipinatupad ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development - National Capital Region, United Architects of the Philippines - Emergency Architects (UAP-EA), Alyansa ng Mamamayang Taga-Malabon, at Pambansang Kalipunan ng mga Manggagawang Pangmasa ng Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni UAP-EA head architect, Jose Miranda, na ang pagtutulungan ng pamahalaan, lokal na gobyerno at mga pribadong sektor ay mahalaga sa pag-iisip ng isang progresibong solusyon sa mga problema na idinudulot ng mga sakuna.

“We need to have shelters, which are readily available within the 24 hours when the calamity happens. There should be a system and the local government units (LGUs) must be prepared. Our group presents progressive designs, emergency shelter, which could last for months or up to two years and we look forward that LGUs will adopt them,” aniya.

Bukod sa ATS, sinanay rin ang mga miyembro at volunteers ng Move Up Project sa pagtatayo at pagpapanatili ng kabuhayan na makasusuporta sa panahon ng sakuna,

Kabilang sa mga aktibidad na itinuro ang paggawa ng dishwashing liquid, paghahabi ng bag, at paglikha ng mga pagkaing produkto.

“They are also taught different alternative livelihood options. Financial literacy sessions are conducted to increase the awareness of beneficiaries in running their livelihood projects and saving money,” aniya.

PNA