VERY open ang male model-turned-actor na si Clint Bondad sa pagsasabing kaya siya nasa GMA-7 ay dahil kay Jennylyn Mercado. Hindi kaya magselos si Dennis Trillo, na boyfriend ni Jennylyn?

Clint at Jennylyn

“Hindi naman, pero iyon ang totoo, dahil kay Jennylyn kaya nandito ako sa GMA,” pag-amin ni Clint sa mediacon ng unang Kapuso serye niyang Love You Two.

Bumaling pa si Clint kay Jennylyn.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Ikaw talaga ‘yung dahilan, since nagkasama tayo sa Dear Uge episode natin,” direktang sabi ni Clint kay Jennylyn.

Unang nakatambal ng Filipino-German actor si Jennylyn sa GMA nang mag-guest siya sa episode ng Sunday afternoon romantic-comedy series na Dear Uge. Gumanap si Jennylyn bilang ang photographer na si Sandy para sa wedding proposal na gagawin ni Brent (Clint), pero tinanggihan ang huli ng kanyang girlfriend.

“So ‘yung experience ko dun sa Dear Uge, inisip ko, ‘hey, ang ganda naman sa GMA, dito puwedeng-puwede pala, ang cool-cool pa si Jennylyn’.

“At siyempre, nagustuhan ko iyong buong team ng Dear Uge. So for me naman I’m always excited sa lahat ng ibinibigay sa akin. Pero excited ako dito kasi masaya ako dito talaga.”

Regular cast member na nga ngayon si Clint sa tele-pelikulang rom-com na Love You Two, kung saan bukod kay Jennylyn ay makakasama rin nila si Gabby Concepcion.

Gaganap si Clint as Theo, na based sa ipinapanood na pilot episode sa mediacom ay sila ni Raffy (Jennylyn) ang magkarelasyon, pero sa final proposal ng marriage ay hindi sila nagkatuluyan dahil tinanggihan ni Theo si Raffy.

Tiyak na magugustuhan ng fans ang ipinakitang acting ni Clint, lalo na dahil sweetness overload sila ng karakter ni Jennylyn sa simula.

“So, maraming salamat sa GMA. Maraming salamat sa lahat ng binibigay sa akin and hindi ko alam kung bakit nabibigay sa akin pero again, thank you very much.”

Marami ang nagsasabi na sa kaguwapuhan at height ni Clint ay magiging big male star siya ng Kapuso Network, lalo na kung pagbubutihin niya ang pag-aaral ng Tagalog.

“Practice-practice lang, pero kaya naman,” nakangiting sagot ni Clint, na hindi na na-interview tungkol sa kanyang personal life.

Kasama rin sa Love You Two sina Shaira Diaz, Jerald Napoles, Kiray Celis, Nar Cabico, Yasser Marta, Michelle Dee, at Solenn Heussaff.

Sa direksiyon ni Irene Villamor, sa April 22 na ang worldwide premiere ng Love You Two sa primetime telebabad ng GMA-7.

-NORA V. CALDERON