COTABATO CITY – Walang anumang energy drink ang makakapantay sa buting maidudulot ng local na buko juice.

MASAYANG pinagsaluhan nina Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol at bisitang foreign dignitary ang buko juice na ipinagmamalaki ng bansa sa international market.

MASAYANG pinagsaluhan nina Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol at bisitang foreign dignitary ang buko juice na ipinagmamalaki ng bansa sa international market.

Sa hangaring mas mapalakas at mas mapalawak ang kaalaman ng sambayanan at ng international community sa biyaya ng buko juice sa katawan, higit sa agresibong atleta, ipinahayag ni Agriculture Secretary Manny Pinol na “official energy” drink ang local na produkto sa gaganaping 2019 Palarong Pambansa sa Davao City.

MPBL cager Ken Segura, patay matapos tambangan at pagbabarilin

Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, iginiit ng Kalihim na nakipagkasundo na si coconut farmer-leader Laureano Callao, Jr. sa mga opisyal ng Palarong Pambansa organizing committee para sa paglulunsad ng "Buko Vida Kiosk" sa April 29 sa University of the Philippines (UP) Mindanao Campus sa Mintal District, Davao City.

Ayon kay Pinol suportado niya ang naturang hangarin ng mga magsasaka para maipakilala ang Coconut Water na isang magandang alternatibo sa ibinebentang energy drink sa merkado.

“The DA is extending a loan fund to be used in buying fresh young coconuts from farmers,” pahayag ni Pinol.

Kumpiyansa si Pinol na Malaki ang ikauunlad ng industriya ng buko sa pagtutulungan ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Coconut Authority (PCA).

Dagok sa magsasaka ang naging pagbaba ng presyo ng kopra sa 13 pesos mula sa P15 pesos, gayundin ang oversupply sa local na pamilihan. Bunsod nito, napipilitan ang ilang magsasaka ng magputol ng punong niyok upang gawing coconut lumbers para sa dagdag na kita.

Ayon kay Sec. Piñol sinimulan na ng DA ang pagpapakila ng prudukto sa  Eastern European Union para sa karagdagabg maerkado ng buko juice.

Nitong Pebrero, inilunsad ng DA at PCA ang “Summer Buko Fest”.

Batay sa medical nap ag-aaral, ayon kay Pinol ang buko juice ay mayaman sa bitamina at nagtataglay ng antioxidant properties na nakatutulong para mapangalagaan ang indibideal sa sakit na diabetes, kidney stones, high blood pressure, at fatigue.

-Ali G. Macabalang