LUMABAS sa online website ang pangalan ng ex-husband ni Zsa Zsa Padilla na si Dr. Modesto Tatlonghari ang posibleng nasa likod ng pekeng kasal base sa lumabas na desisyon ng Makati RTC.
“Petitioner speculated that her former husband Modesto orchestrated this sham marriage to prevent her from marrying Rodolfo whom she was planning to wed at the time."
Ang sinasabing Rodolfo ay walang iba kundi si Dolphy Vera Quizon.
Ini-report ito ng online website nitong Abril 12 at kaagad ding klinaro ni Zsa Zsa sa parehong petsa.
“I just want to clear that this could have happened to me for a number of reasons and unfair to my ex husband - M Tatlonghari, that he be pinpointed as the only possible person who could have done this. Again, before I started the case which took a little over a year, forgiven na siya,” tweet ng Divine diva.
Sinundan pa ulit ito ng tweet ni Zsa Zsa, “After years of being estranged from my ex-husband, I made a vow to my daughter @anakarylle that I will bury all hurts of the past. Since the day she got married in March 2014, my ex-husband and I have been friends again.”
Pero ang nakapagtataka ay ang post ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram nitong Sabado kung saan sinagot niya ang post ng anak niyang si Karylle Tatlonghari-Yuzon, na humihingi ng kapatawaran. Wala namang binanggit na pangalan si Karylle.
Ang post ni Karylle, “kung ang galit mo ay 6 years old, Grade 1 na ito. Kung teenager na, malamang nakapagpatapos na ng Grade 12 at naka-ilang moving up day na. ‘Pag 18 years old na, nag-debut na ang galit mo at malapit nang mag-graduate ng college.
“Kung nasa edad na, marahil ay nagka-anak at apo na ito. Kailangan nang magpatawad agad-agad. Baka maubos na ang panahon.
“Kung ang pagmamahal ay inaaruga at pinalalago, kabaliktaran naman ang sa galit at hayaang lumaki, lumikha at umuusbong sa mundo.
“A weird perspective my husband taught me. A new way for you to see hate this Holy Week. Please take time to decide to #forgive. It’s the best gift you can give yourself.”
Ang sagot naman ng mommy ni Karylle, “I realized anger eats you up. Ikaw ang affected and deadma lang ‘yung tao na gumawa sa iyo ng kasalanan. Kaya tama na magpatawad at gawin ito para sa sarili.
“Sa mga pinagdaanan ko the past two years, kinailangan kong magdasal at ipasa Diyos ang gumawa sa akin ng fake marriage and identity theft. ‘Di biro makasal sa isang taong ‘di mo kilala at ginamit lang ang detalye ng birth certificate mo. Pinakamahirap para sa akin tanggapin na kinailangan kong i-annul ang isang kasal na obviously ay fake.
“Naisip ko, eh di parang sinabi ko na totoo nga ito?! Pero nagtanong tanong ako at iyon ang advise nila. Nu’ng una, napakasakit tanggapin. So, 2-3 months after I found out at naubos na ang galit at luha, nasabi ko sa sarili ko na dapat pag-file ko ng annulment, tanggap ko na at wala ng bahid ng hatred sa puso ko.
“Kaya pinatawad ko na kung sinuman ang gumawa sa akin nito. At finally, natapos na ang case at tapos na lahat ng papeles. Moving on na tayo. Natatapos din talaga anumang kalbaryo sa buhay.
“God, you only give what we can bear. Salamat, Panginoon dahil ginabayan mo ako. Thank you Karylle and Yael for your very wise words. #forgive.”
-Reggee Bonoan