Nakorner ang isang dalaga makaraang matunton ang kanyang kinaroroonan dahil sa GPS na naka-install sa cell phone na kanya umanong ninakaw sa Valenzuela City, nitong Sabado ng gabi.

GPS

Hindi na nakapalag pa si Arianne Cantojos, 18, nakatira sa Barangay Santa Rosa, Marilao, Bulacan, nang posasan siya ng mga pulis, na kasama ni Rex Mirante Coronel, 37, negosyante, ng Bgy. Malanday, Valenzuela City.

Kuwento ni Coronel, bandang 11:45 ng gabi at nag-iinuman sila ng kanyang mga kaibigan sa loob ng kanyang bahay, kasama si Cantojos.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Makaraan ang ilang sandali, nagpaalam ang suspek na aalis na, at naiwan ang biktima at iba pa nilang kainuman.

May naalalang tawagan si Coronel, pero hindi na niya makita ang kanyang cell phone, na nagkakahalaga ng P25,000, at wala na ito sa kinalalagyan.

Dahil may GPS ang cell phone, na-trace ang kinaroroonan ng kumuha, at natukoy na nasa Valenzuela City People’s Park sa Mac Arthur Highway sa Bgy. Malinta ang may hawak ng cell phone.

Laking gulat ni Cantojos nang bigla siyang posasan ng mga pulis, hanggang sa mabawi umano sa kanya ang cell phone ni Coronel.

Kinasuhan na si Cantojos ng theft sa Valenzuela Prosecutor's Office.

-Orly L. Barcala