SA nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng Halik, na umabot nang walong buwan, aminado ang business unit head na si Direk Ruel S. Bayani na na-extend ang serye na dapat ay hanggang Enero lang. Mataas kasi ang ratings at maganda ang feedback ng Halik kaya na-extend ito hanggang sa huling linggo ng Abril.

Halik

“Sa totoo lang po, ang gusto ng management (ABS-CBN) ay tuluy-tuloy umere. Ang sabi ko po, magagawa ko lang ‘yan kapag papasukin ko ang show ng Vendetta (grupo ng karakter ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano) at ang kontrabida ni Coco Martin sa Probinsyano, eh, iyon, baka puwedeng humaba.

“Sa totoo lang po ang show na ito ay hanggang January lang dapat, pero pinakiusapan na i-extend na. Tandaan n’yo po ang show na ito ay modern drama na pinahaba namin sa abot ng aming makakaya para sa pagkaka-extend niya ay patuloy siyang maging entertaining.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“At dahil nga doon, umabot ang show sa 30M views sa iWantTV. It’s only Halik kaya gustong ipagpatuloy pa sana, pero mahirap talaga na.”

Aminado rin ang apat na lead stars na sa tuwing lalabas sila ng bahay ay hindi na ang mga pangalan nila ang tawag sa kanila kundi ang mga karakter na nila sa serye: tinatawag nang Jade si Yam Concepcion, si Jericho Rosales bilang Lino, si Yen Santos as Jacky, at si Sam Milby bilang si Ace Corpuz.

Nabanggit din ni Direk Ruel na pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo at Flordeluna ay ngayon lang ulit nagkaroon ng serye na ang mga karakter ay talagang tumatak nang husto sa viewers.

Anyway, mapapanood sa huling dalawang linggo ng Halik ang mas matindi at mas palaban na tapatan nina Lino, Jade, Jacky at Ace.

Ngunit buhay ang maaaring maging kapalit ng kanilang tapatan, dahil parehong malalagay sa bingit ng kamatayan sina Jade at Jacky, na dahilan naman para magbago ang daang tatahakin ni Lino para makuha ang hustisyang inaasam.

Pero sa kabila ng mga buhay na posibleng mawala, ipagpapatuloy pa rin ni Ace ang kasakiman at sisiguraduhing makakaganti kay Lino gamit sina Jade, Jacky at anak nitong si CJ.

Sino nga kaya ang magwawagi sa laban nila? Kanino nga kaya nila ibibigay ang kanilang huling halik?

Bagamat masama sa tingin ng iba, si Jade naman ay isang huwarang ina na handang isakripisyo ang sarili para sa kanyang anak. Ang buhay naman ni Ace ang patunay na may kapalit ang lahat ng kasakiman at mas maiging gumawa ng kabutihan para makuha ang tunay na kaligayahan.

Marami ring kabahayan ang nanggigigil sa kwento ng Halik kaya patuloy ang pangunguna nito sa national TV ratings simula nang umere noong Agosto 2018. Nagtala rin ito ng all-time high national TV rating na 29.3%, na mataas para sa timeslot nito.

Lagi ring pinapanood ang serye online, dahil ito pa rin ang most-watched show sa iWant noong Marso.

Umabot naman na sa Africa ang kuwento nina Lino, Jade, Jacky, at Ace, dahil napapanood na rin ang Halik sa Tanzania simula noong Pebrero

-REGGEE BONOAN