CABANATUAN CITY – Napatay ang isang driver matapos na pagtatagain ng mister ng babaing umano’y karelasyon nito sa Barangay Mayapyap Norte, Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Sabado ng gabi.

LOVER

Dead on arrival sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ang biktimang si Caesar Madrid, 56, ng Agua Tierra Subd., Mayapyap Norte, dahil sa mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinutugis pa ng pulisya ang suspek na nakilalang si Lowell Santos, nasa hustong gulang, ng Bgy. Poblacion Sur, Talavera, Nueva Ecija, nang tumakas matapos ang krimen.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap sa Dama de Noche, Bgy. Mayapyap, sa nasabing lungsod, dakong 10:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigador, matagal nang pinagseselosan ng suspek si Madrid dahil sa hinalang karelasyon nito ang kanyang misis.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong homicide.

-Light A. Nolasco