Inabisuhan na ng Manila Electric Company (Meralco) ang publiko kaugnay ng inaasahang rotating brownout sa malaking bahagi ng Metro Manila ngayong Semana Santa.

Idinahilan ng Meralco ang isasagawang maintenance works na magsisimula sa Martes Santo (Abril 16) hanggang Sabado de Gloria (Abril 20).
Kabilang sa maaapektuhan ang Barangay Pinagkaisahan, sa Makati City dahil sa line reconductoring works sa Agutaya Street sa Abril 17.
Apektado rin ang Hagonoy, Malolos City, Plaridel at Paombong sa Bulacan, dahil naman sa maintenance at testing works sa loob ng Meralco – Calumpit substation, mula Abril 19 hanggang 20.
Ang Tanza, Cavite ay apektado rin ng rotating brownout dahil sa maintenance works naman sa loob ng Meralco – Tanza substation sa Abril 18.
Mag-a-upgrade naman ng mga pasilidad ang Meralco sa San Francisco Road sa Barangay San Francisco sa Biñan City, Laguna, habang may line maintenance works naman sa Barangay Muzon sa Taytay, Rizal, kaya’t apektado rin ng power interruption ang Taytay at Angono, sa Abril 16 at 17.
-Mary Ann Santiago