Inaresto nitong Biyernes si dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali, kaugnay ng pagkakasangkot umano sa Marawi siege noong 2017.

Omar Solitario Ali

Omar Solitario Ali

Ayon sa pahayag ng militar, si Ali ay dinakma habang dumadalo sa campaign sortie ng Pardtio Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) sa Dimaporo gymnasium, nitong Biyernes.

Ang nasabing political rally ay hindi dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa sama ng panahon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Si Ali ay isa sa siyam na mayoralty candidate sa lungsod at isa sa tatlong PDP-Laban candidate sa May 13 elections.

Matatandaang iniutos ng pangulo na dakpin ang lahat ng sangkot sa Marawi siege kung saan kabilang si Ali at pinapanagot ang mga ito sa kasong rebelyon.

Nitong nakaraang buwan, dinakma na ang anak ni Ali na si Vice Mayor Arafat Salic at ang kapatid nito na dating alkalde na si Fahad Salic.

Gayunman, pinakawalan din ang mga ito dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Bonita L. Ermac