DALAWANG titulo ang nakopo ng Team Liyab, ang professional esports team ng Globe, sa pakikipagtulungan ng Mineski, matapos madomina ang Philippine Pro Gaming League (PPGL) titles sa League of Legends (LoL) at Arena of Valor (AOV) events.

ANG matagumpay na Liyab Team.

ANG matagumpay na Liyab Team.

Ginapi ng Team Liyab ang matitikas na karibal tulad ng TNC, Resurgence at Kidlat sa torneo nitong weekend sa Ayala Malls Feliz sa Pasig para makamit ang total prize na P400,000.

Nakaharap ng Liyab LoL squad ang powerhouse Arkangel sa semifinals. Nagawang masopresa ng Arkangel ang Liyab sa opening game, at nakabante nang bahagya. Ngunit, nagamit ng Liyab ang mahabang karanasan sa kampeonato bago maagaw ang panalo.

Sa finals, nakalaban ng Team Liyab LoL ang TNC, gumapi sa kanila sa nakalipas na taon, at sa pagkakatong ito nagawang makabawi ng una para manguna sa serye ngayong season.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Sa Arena of Valor event, ginapi ng Liyab-AOV ang Resurgence, binubuo nang matitika sna players kabilang ang mga player mula sa last year champions Clutch Guild, kasama ang tatlong miyembro ng Resurgence Malaysia Superteam.

Sa AoV Grand Finals, nagkasubukan ang Liyab at Kidlat Esports.