Sabi hindi kakapusin ang kuryente ngayong summer… an’yare?

BROWNOUT BA SA INYO? Inaayos ng mga obrero ang mga koneksiyon ng kuryente sa Maynila nitong Biyernes. ALI VICOY

BROWNOUT BA SA INYO? Inaayos ng mga obrero ang mga koneksiyon ng kuryente sa Maynila nitong Biyernes. ALI VICOY

Dapat na may managot sa hindi inaasahang brownout na naranasan sa ilang lugar sa Luzon sa nakalipas na mga araw, dahil una nang tiniyak ng mga opisyal ng Department of Energy sa Senado na may sapat na supply ng kuryente sa bansa, kahit pa may El Niño.

Ito ang ibinulalas ng laging mahinahon na chairman ng Senate Energy Committee na si Senator Sherwin Gatchalian, na humiling na imbestigahan ng Senado ang serye ng yellow at red alert warnings na ipinalabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa Luzon grid, sa nakalipas na linggo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ng re-electionist na si Senator JV Ejercito na napapanahon nang ikonsidera ang pagkakaroon ng iba pang pagkukunan ng kuryente sa bansa, upang maging sapat ang supply nito.

“We cannot expect to reach the full potential of economic development if we have expensive, and worse, unstable sources of energy,’’ ani Ejercito.

Ayon kay Gatchalian, sa pakikipagpulong ng Senado sa mga opisyal ng (DoE) dalawang linggo na ang nakalipas, tiniyak ng mga ito na sapat ang supply ng nakareserbang kuryente ngayong tag-init.

“The brownouts felt by our constituents in Luzon these past few days is totally unacceptable. The DoE assured us even before the start of summer that there will be enough power supply in the country. If there’s enough power supply, then how come that there are towns and provinces in Luzon that are experiencing rotational brownouts?” ani Gatchalian.

“Definitely, heads must roll this time. We owe it to the power consumers to give them accurate information on the power situation in the country. Mukhang na-overestimate ng DoE ang available capacity ng kuryente natin,” dagdag niya.

Aniya, mistulang “fake news’’ ang impormasyong ibinigay ng mga opisyal ng DoE sa Senado.

“Our power consumers deserve nothing but accurate information. Ang DoE ang pangunahing ahensiya na dapat nagbibigay ng wasto at sapat na inpormasyon upang makapaghanda ang ating mga kababayan. Kaso mukhang na-fake news tayo ng DoE sa pagkakataon na ito,” aniya.

Sinabi ng senador na bahagi ng gagawing imbestigasyon ng kanyang komite ang maling pagtaya ng DoE sa nakareserbang kuryente ngayong tag-init, at ang mga ikinasang hakbangin ng kagawaran sakaling biglaang kapusin ang supply.

Nasa kabuuang 13,000 megawatts ang nakokonsumo ng Luzon, at malaking bahagi nito ay ginagamit ng Metro Manila.

Tinukoy ang report ng NGCP, sinabi ni Gatchalian na nasa pitong lalawigan, kasama ang 40 siyudad at bayan, ang naapektuhan ng rotational brownouts dahil sa pagpalya ng limang power plants sa Luzon.

Samantala, muling isinailalim sa 10-oras na yellow alert ang Luzon grid ngayong Sabado, dahil sa forced outage ng power plant sa Limay, Bataan.

Itinaas ang yellow alert simula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, at mula 7:00 ng gabi hanggang 10:00 ng gabi.

Mario B. Casayuran at Beth Camia